Ang Awit ng Kabataan
Mga salitang naihalik ng aking mahal na pluma,
kabataan ay gumising at tayo'y bumangon muna,
panahon na naman ng himagsikang tayo ang salarin, tayo rin ang biktima,
dahil sa nagsisilabasang itim na tupa at mga disenteng mga buwaya.Itatayo raw ang bansa dahil napag iwanan na ng panahon,
seryoso ba talaga sila o baka simot na ang garapon?
Wala na bang natitirang butil sa mga bulsa niyo ngayon?
Kaya't naisipan mong mag ingay sa araw ng eleksyon?Mistula kang pipi't bingi sa mga nakalipas na taon,
ngunit,aba't nandito ka!sumisigaw ka na ngayon !
At matapos ng ilang taon mong pagpapahirap at panggigipit,
aba't ngayon, himala ! Bakit bigla kang bumait?Naluluha na nga sa hirap ang iyong nasasakupan,
nagdidildil na ng asin,gumagapang na sa kangkungan,
at kaya pala hindi nasosolosyunan ang problema sa kahirapan,
'pagkat hayun ka,binubulsa ang kaban ng Bayan.Pinaghirapan ng ating mga magulang ay napunta sa kanila
mga buwis na binabayad naibabalik pa ba?
at pansin ko rin na ang kinakain ng mga mahihirap ay hindi sapat
sapagkat karamihan sa mga naluloklok sa pwesto ay mga ganid at hindi tapat !Kabataan, imulat ang mata,ano ba ang nakikita?
halatang halata na sila,magbubulagbulagan ka pa ba?
Kabataan,oras na upang ating patunayan ,
na tayo ang kayamanan at pag asa nitong Bayan.Boses ng kabataan gawing tinig ng halalan,
sa daang dalisay at payapa, halina't ating pangunahan,
kabataan bumangon ka't simulang makipagbakbakan,
isiping mabuti ang kinabukasan ng iyong Lupang Sinilangan,
Paano ba siya lalaya,kung tayo'y hindi lalaban?
Paano na siya papayapa,kung ang bansa ay ating pababayaan?
BINABASA MO ANG
Una Mezcla de Letras
Poesíamga akdang bunga ng mahabang pagkakaburyong ko ngayong panahon ng kuwarantina.