#16

5 3 0
                                    

Aanhin mo ang damo kung wala namang kabayo?

Lumingon ka! Ano nga ba ang mas higit
Sa kwalta't katawan, ano ang dapat iwaglit?
Wala ! Wala dapat na mawala
Ngunit marapat timbangin para sa krisis na lumalala.

Huwag pera ang isipin, masiyado kang nagpapahalata
Kung isusugal mo ang buhay para sa perang walanghiya,
Makakagastos ka pa ba sa oras na patay ka na
Pero paano ka nga ba mabubuhay kung wala kang pera?

Sa mga nakaupo, panawagan ko po,
Huwag kang magmukmok, subukan niyong tumayo,
Masdan ang paligid, huwag puro pabango
Kasi lalong lalala ang sakit kung wala kang pangremedyo,

At sa mga nakasahod na kamay ng disenteng mga buwaya,
Ang pagkaganid mo kaibigan pwede bang tigilan mo na?
Sa kakarampot na ayuda'y nakikihati ka pa,
Anong akala mo sa Kaban ng Bayan, sarili mong alkansiya?

Aanhin mo ang damo kung wala namang kabayo
Ngunit aanhin mo ang kabayo kung wala namang damo,
Ang kalusugan at kayamanan ay lubhang mahirap itimbang
Pero yayaman ka rin hirang kung masipag na masipag.

Una Mezcla de LetrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon