#20

8 3 0
                                    

Pasensya na, Tao Lang

" Pasensya na ha, tao lamang ho ako, "
katagang madalas kong naririnig sayo,
oo, tao ka't karaniwan lang ang magkamali
pero huwag kang mangarap na maitama ang hindi.

Halos 'yan na lang kase ang naririnig kong palusot
ara sa galit ng patpat ay hindi ka malagot,
Ano't wais na bata, alam ko namang tao ka
May utak ka't alam mo ang mali at ang tama.

Pasensya na tao lang, nagkakamali rin
Pero ang katagang 'yan nawa'y hindi mo abusuhin,
Maaari mo namang maiwasang makagawa ng mali
Sa pamamagitan ng paghulma ng mabuting gawi.

Kaya't muli, huwag kang magpakasasa
Gumawa ka ng mabuti para hindi makagawa ng masama,
Pasensya na tao lang pero gamitin mo ng maayos ang iyong utak
Itimbang mo ang iyong mga desisyon, huwag lang puro pagtatalak.

Una Mezcla de LetrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon