Donasyon para sa Magandang Balita
Hawak ang bibliya'y inunat na ang kanyang palad
umusal ng dasal na sa tenga nila'y inilalapat,
habang ang puting kahon ay inililibot sa paligid
U
upang makalikom ng kahit kaunting pilantik.Umusal ng panalangin para kilalanin kang banal
santa-santita ng atake para hindi makatanggap ng buntal,
ang sisidlang lagayan ng padalang-alay sa simbahan
ngunit nang biniyak na ay sa bulsa mo na ang hantungan.Gamit ang mga bersikulo't bersong 'di napapanglaw
ang pagkaganid ng dila'y tumataba na nga sa layaw,
ang mga salita ng Diyos ang handog mong regalo
makapangyarihang wikain sa pambibilog mo ng ulo.Pormahan niya'y puti't may kurus na kuwintas,
banal kang mahihinuhang hindi ko mahahanapan pa ng butas,
isang huwad na pastor na tumatalak ng taos
na ngayon ay maingat sa pagwiwika't baka pa malagot.
BINABASA MO ANG
Una Mezcla de Letras
شِعرmga akdang bunga ng mahabang pagkakaburyong ko ngayong panahon ng kuwarantina.