|Sorry i updated very late. I'm busy with my modules po kasi. I will try to update sooner._______________
"Uh... Ayaw mo ba mag drive thru nalang?" Sinubukan ko'ng basagin ang katahimikan namin sa loob ng kaniyang sasakyan.
Halos tatlong minuto na kaming bumabiyahe, tahimik kaming pareho at mukhang hindi alam ang sasabihin sa isa't- isa.
Para akong estatwa rito sa kaniyang tabi. Siyempre ano ba ang gagawin ko? Kunin ang Ipad niya at manood ng Netflix do'n katulad ng noon? Hindi na pwede.
Kung tutuusin, hindi dapat ako ang nandito sa passenger seat. Dapat ay si Jale ang katabi niya ngayon, siya lang naman ang dapat dahil girlfriend siya ni Lincoln.
Sila pa ba? Kung gano'n ay bakit naman siya nag presintang ihatid ako? Paano kung magalit si Jale sa akin.
Baka tawagin niya pa akong kabit. Ayaw ko namang gumaya sa kaniya.
Nilingon ko si Lincoln na kalmado lang ang ekspresyon habang nagmamaneho. I just remembered how I admire his side view face because of how manly it was. Hanggang ngayon pa rin naman ay gano'n. Wala naman kasing nag bago.
Feelings lang niya.
Sa akin.
"There is no nearby fast foods here. Malayo pa, unlike to the restaurant we're going, malapit lang." Paliwanag niya at isang beses na sumulyap sa akin.
Marahan akong tumango at naintindihan ang kaniyang sinabi.
"Unless..." He chuckled, "you want to go there. Mas hahaba ang oras natin."
Umawang ang aking labi ngunit naitikom ko rin 'yon at umiling. No, I don't want to. Ayaw ko'ng matagal tayong mag kasama, Lincoln. This is not right.
Sa parte palang nitong siya ang sumundo sa akin, mali na. And we're going to eat dinner together is another thing for me, feels not right.
Pinanood ko kung paano huminto ang sasakyan dahil sa traffic light. Napansin ko'ng traffic rin sa kalsadang dinadaanan namin kaya pala mabagal lang ang pag takbo niya kanina.
"And the reason why I want to eat dinner with you is I want us to catch up." He smiled at me. "It's been a long time, Lyllo."
Parang tumalon ang puso ko. Hindi ko na naman maintindihan o maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang gusto ko nalang maging estatwa kahit ilang minuto lang.
I sighed. "Do ex- couple catch up?"
He smirked at me. "Maybe."
"Maybe? Hindi ka rin sure?" I looked at him carefully.
"Ano ba sa tingin mo?"
"I don't know." Nag kibit ako ng balikat. "Ikaw l- lang... uh, ang naging ex ko. S- so how would I know?"
He cleared his throat before laughing a bit as if I said something funny.
"Dapat nga alam mo na 'yon, e. You've been in so many relationships before me," mapait ko'ng sinabi.
I don't even know why I said that. Gusto ko man bawiin ay narinig niya na iyon.
His face become serious and looked at me like he did something wrong to me. Nag- iwas ako ng tingin at bumaling nalang sa harapan.
"Sorry." Pabulong na sabi niya.
Hindi ko siya nilingon at nanatili ang tingin ko sa harap. But I can feel my heard pounding like crazy.
BINABASA MO ANG
THE WILD'S DEEPEST AFFECTION (BURNING LOVE SERIES 1)
RomantizmIn the wild, you must be prepared for the worse. Dapat palagi kang alisto, dapat alam mo kung anong hahantungan ng bawat hakbang mo. Hindi puwedeng hindi ka handa sa kahit ano. Pero paano kung pinili mo'ng daanan ang mapanganib na direksyon kaysa i...