Hindi ibig sabihin na choosy ka eh feeling ka na o nagmamapogi/nagmamaganda ka na, baka you just want something or someone good for yourself. Baka gusto mo maganda nakikita mo sa pag gising mo araw araw, o gusto mo napagmamalaki mo sa pamilya at mga kaibigan mo. Baka binigyan ka ng task ng magulang mo na ma-improve yung gene pool niyo. Sabi sa akin ng professor ko sa Psychology dati, ang buhay ng tao umiikot lang sa isang bagay - Finding your mate. Embedded daw sa genes natin yun. Na kahit anong ikot ng mundo, kahit anong gusto mong makamit at lahat ng aspirations mo sa buhay, lahat yun preparations lang para mahanap mo ang iyong perfect mate. Ano naman sa nature ang mga di pinalad matagpuan yung kabiyak nila sa buhay? Abberations, mutants...inde joke lang. Baka sa paghahanap nila eh sadyang nabigo lang sila. Baka dahil sa paghahanap nila ng 'perfect' eh naligaw sila ng landas at tinanggap ng wala talagang ganun at pinili na lang na mag isa. Baka dahil sa mabigat na heartbreak eh natakot ng umibig ulit. Pero di tungkol dun ang kwento ko. Ang kwento ko ay tungkol sa akin. Kwento ng logic ang magic. Kwentong paiikutin ang mundo ko sa mata mo.
Di ako yung tipikal na tao. Ako yung..(sa guage ko ah). Average looking. Alam ko naman kasi yung panget no. I grew up with four sisters. Magagaling na judge ng looks. Height ko? Hindi average eh. Below. What I lack in height, I make up for.....well.. Wala rin akong talent eh. Jack of all trades. Fast learner....Mejo. Kailangan eh. Sabi nga ng kaibigan ko, intellectual women won't go for looks. Pero at least a lot of them will. Embedded sa genes ng mga babae yun. Sa wild nga laging yung mga malalaki at malalakas ang nakakakuha ng mate diba. Alpha male. Kaya para maging attractive ka, kailangang mapakita mong capable ka. Idadaan lagi sa husay at talino kapag wala kang laki at lakas. Ganito ang naging logic ko. Dahil sa mga experiences ko sa babae, sa bahay at sa labas. Mahirap intindihin ang babae. Better stick with your logic kesa pakiramdaman mo. Basta mahirap.
To put it simple. Logical akong tao. I dont believe sa tinatawag nilang love. May libro akong nabasa dati na ang love the feeling daw ay dapat produkto ng love the action, hence na-prove ang theory ko na sa effort din lahat yan. Whatever force is powering 'love' the feeling is measured by efforts.
Di naman ako NGSB. Bitter. Oo. Malalaman mo kung bakit. Pero I've had my share of experiences. Natuto akong mag mIRC nung 11 years old pa lang ako. First girlfriend nung 12, second nung 15 and so on. Average looking nga lang. Natuto lang ng mga hidden jutsu sa mga sennin ng kalokohan. Hanggang dumating sa point na gusto ko na ng seryoso, yung handa na akong maniwala sa 'love' the feeling. Wala ng dumating.
Marami na akong narinig.
'you are incapable of love'
'di ka makaintindi'
'di mo alam ang nararamdaman ko'
'lahat dinadaan mo sa logic mo!'
Hanggang wala. Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan. Kumplikado ang mga babae. Di sapat yung buong buhay ko na ginamit ko kasama ang mga kapatid kong babae para padaliin yung pag intindi ko.
Ganun ang paniniwala ko. Incapabale. Logical (medyo kinconsider kong compliment). Bawat galaw may ibig sabihin. Every thing has its purpose. Everyone has their motives. Kaya hirap ako magtiwala sa tao....noon.
Hanggang nakilala ko tong taong to.. Ang kwento na to ay tungkol sa akin. Tungkol sa kanya. At ang isang buong taong ginugol namin para baguhin ang isa't isa..Ang ending, di ko iispoil no. Asa.