Another morning of sweet moments with Summer and Rain.
Rain : Good Morning Beautiful. How's your sleep? Ok ka na?
Summer : Mas ok na ako ngayon kaysa kagabi. Thank you for being there. I appreciate it.
Rain : You're very welcome. Basta wag mo na lang isipin ng isipin yung mga nangyare kagabi.
Summer : Oho, Mr. Mendez.
Rain : Hoy busy ka ba sa 14th?
Summer : (. . .patay. .eto na nga eh! Bwiset!) Ahh. Baket anung meron?
Rain : Malamang Valentines.
Summer : Di ko alam. May event kami sa school remember?
Rain : Oh eh di pagkatapos!
Summer : Ngek! Syempre hanggang madaling araw yun. Anu ba itey!
Rain : Ok. Ayaw mo talaga akong makita at makasama. :(
Summer : Ngek, Nangonsensya pa.
Rain : Ganyan ka naman talaga eh.
Summer : Teka. Ahhmm. Panu ba ito? Ganito na lang. Isasama na lang kita sa event. Oks lang ba sayo? Tsaka di ba niyaya naman na talaga kita. Hayun. Spend Valentines with me.
Rain : H'wag na. Hindi na.
Hindi na muna nagreply si Rain dahil nadismaya ito.
"Paano pa matutuloy yung plano ko para sa kanya eh busy siya. Anu ba naman yan Summer Reyes! Bakit sumabay pa yang event nyo. Paano na ang Valentines natin nyan? :( Second date na sana natin 'to kung sinipot mo ako nung una. Nakakabaliw mag isip." sambit ni Rain sa sarili.
Maya maya'y nagkausap din ang dalawa.
Summer : Rain. Nandyan ka pa ba? Wag ka na mainis.
Rain : (. . .nagtext ng blangko)
Summe : </3 Sige na. Bati na. Di ko lang pwedeng palampasin yung event kase importante yun eh. Gustuhin man kita makasama pero wrong timing na naman kase.
Rain : Kauwi ko lang. Bahay na ako. Wag ka muna makulit. Naiinis ako. Kung ako lang, gusto ko sa 14 kaso ang dami mong pinoproblema tapos kung sinu sino pang poncio pilato ang nakukwento mong nagyayaya sayo. Sila idate mo.
Summer : Patay na. Nagsunget na nga sya.
Ilang araw na namang hindi nagkatext ang dalawa. Hindi naman masyadong nagtaka si Summer kasi busy siya sa pag aayos ng ibang detalye para sa event.
Rain : Hoy Buday!
Summer : Ano na naman?
Rain : Nye nye nye. Hindi ka man lang nagtaka kung bakit hindi ako nagtext. Badtrip naman.
Summer : Malay ko ba.
Rain : Nakakabadtrip ka e. Snob. Masyado ka ng pamiss.
Summer : Ayy ewan.
Rain : Miss kita. Alam mo yun Buday.
Summer : Kung miss mo talaga ako, hindi mo ako aawayin.
Rain : Hindi na nga di ba? Puntahan na kita dyan. Gusto na kita makita. :(
Summer : Ayoko. Hindi pa pwede. Wag kase. :( Magagalit ako sayo tignan mo.
Rain : Bakit ba hindi? Mang aaway ka pa. Pinuntahan ka na nga. Sipain kita dyan eh.
Summer : Ehehehe. Alam mong ayoko ng ginugulat. Mga ganyan. Babatuhin kita. hahampasin pa kita ng malakas.
Rain : Hampasin mo. Wala ka na namang magagawa eh. Hahaha
Hindi agad makapagreply si Summer dahil nagbablog ito.
Rain : Busy na naman sa comp. Snabera talaga. Sige tignan natin makaganyan ka pa pag pinuntahan na kita. Kala mo. Hahaha
Summer : Wag mong subukan, sasaktan talaga kita.
Rain : Sus. Diring diri ka nga saken. Parang ayaw mo ako makita nyan eh.Hahampasin pa ako, sinurprise na nga. Walang utang na loob.
Summer : Ok. Di na ako magugulat. Magtatago ako and all. Basta.
Rain : Ok lang. Tignan lang natin itsura mo pag nakita mo na ako sa school mo.
Summer : Hindi mo alam ang pagpunta dito Mr. Mendez. Wag ka na mag abala. Ni hindi mo nga alam ang school ko. Shut up!
Rain : LCC International University. Anu ginagawa ni Google earth. Pwede namang magtanong. Diretso ako student office. Madaming paraan Sum.
Summer : Bahal ka sa buhay mo. Tigas ng ulo mo.
Gusto naman talaga ni Summer na, at last, magkita na sila ni Rain. Pero may tila mga bagay na nagsasabi na hindi pa ngayon ang takdang panahon.
"Ano ba kasi 'to. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Alam ko malayo pa ang Valentnes pero bakit parang bukas na yun sa mga naiisip kong ito. Paano na si Hail? Matagal ko na siyang gusto makita. Bago pa man dumating si Rain saken. Tsaka mahalaga din yung taong yun saken. Tapos eto naman si Rain parang timang. Di ko alam ang nasa isip. Lord, pinapahirapan mo ako magdesisyon. hala naman kase." sabi sa sarili ni Summer.
Habang naglalaro ay biglang naisipan ni Hail na tawagan si Summer.
Hail : (calling) Hey Sum!
Summer : Oh baket ka napatawag? Is there anything wrong?
Hail : Nope. Nothing. I just want to make sure that I'll meet you on the 14th. Are you going out with me?
Summer : Oops. I remember. Can you give me more days to think of it Haily?
Hail : I need weeks of preparation Sum. I need your answer ASAP.
Summer : Youre making it hard for me, Hail. :(
Hail : What? What do you mean?
Summer : Nothing. I'll call you back later okay.
Hail : Make sure you give me a call, huh?
Summer : I will. Bye.
Hail : Ciao.
"What goes with her mind now? Hahahaha Sometimes, I dont know how to interpret girl's actions really. Anyways. I'd love to see her. Im too excited." said Hail.
"Ok. Surprise plan checked. Anu pa ba?. Details about the gift para sa kanya, Ill ask Spring na lang. Venue ok na. Sa wakas Sum. Eto na yun. Makikita na kita. Gusto ko ng sabihin yung bagay na sinabi ko sayo. At last. Eto na. Makikita ko na yung ngiti mo, yung tawa mo. Sana mapasaya kita." sabi ni Rain muli sa sarili.
Itutuloy. . . .