This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Dedicated to @KimHyoGun, nag-request kasi siya. Gusto raw niya ng one shot. Edi okay! Game! Ahahaha! Cef, para sa'yo 'to!
Classmate ko yan! Haha! Pati yung boy, classmate ko rin siya. Naging sila nga nung elementary eh. Pero heto na talaga ang story nila... Maghanda kayo sa pagkakakilig...At iyak.***
May bestfriend ako, marami ang nagkakagusto sa kanya, siya kasi ang prinsipe dito sa school eh, marami nga'ng nagpapadala ng sulat sa kanya pero binabalewala lang niya yun, kaya nung isang araw, sinabihan ko siya na pansinin niya rin, sayang ang effort nung mga nagbibigay ng sulat sa kanya. At marami rin ang nagkaka-crush sa kanya, swerte nga ako at ako pa ang naging bestfriend niya, at sa kasamaang palad....Crush ko siya.
"Cef! Halika nga, may iku-kwento ako sa'yo." sigaw sa akin ni Matt, siya yung lalaking bestfriend ko at bukod pa dun, siya lang ang crush ko.
"Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kanya.
"May sasabihin ako sa'yo." lumapit ako sa kanya at nung makalapit na ako at klarong-klaro na ang mukha niya, sobra siyang nakangiti, as in malapad.
Nandito kami ngayon sa school garden at nakaupo kami sa isa sa mga bench dito, peaceful kasi dito at kaunti lang ang mga tao.
"Go on, sabihin mo na."
"Di'ba sabi mo, papansinin ko yung isa sa kanila, isa sa mga nagbigay ng sulat?" tanong niya. Tumango ako, "Nililigawan ko kasi si Jessa," tapos naghahallucinate lang ba ako dahil biglang lumungkot ang mukha niya pero binago niya rin iyon at ngumiti.
Ahh. Ligaw lang pala, HAHAHA!
HAHA.
HA.
Bakit kaya ang fair ng buhay?
Hindi ko alam kung bakit mahal mo yung taong may mahal na iba, parang gusto kong gumulong sa kama ko at umiyak ng umiyak at umob-ob sa unan.
Ganito ba yung feeling?
Parang sobrang sakit naman nito kumpara sa mga sinasabi nila na heart broken.
Pakiramdam ko namumuo na ang luha sa mata ko, "Ah, okay ka lang ba, Cef?" tanong ni Matt, naku. Baka mahalata pa niya na iiyak na ako.
Kaya bago pa bumuhos yun, "Ah, bestfriend! Right, bestfriend.(bulong ko) magc-cr muna ako ah." pagpapaalam ko.
"Bumalik ka ah." tuluyan na akong umalis at agad bumuhos yung mga luhang pinipigilan ko kanina pa.
Pumasok ako sa isang cubicle at doon ako umupo sa bowl, nakatakip yung dalawang kamay sa mukha ko at hindi ko mapigilang humikbi.
Kasalanan ko rin naman to, kung sana hindi ko nalang sinabi yun, kung sana pwede pa mabalik ang mga nangyayari, pero hindi. Hindi na yun babalik pa.
Bakit pa kasi ako umasa? Ang tanga ko lang! Hindi ko pinapansin yung iba dahil nasa kanya lang yung atensyon ko, sobrang fair lang talaga ang love.
Nagpalipas muna ako ng limang minuto bago ko kinalma ang sarili ko, naghilamos ako at tiningnan kong mabuti kung mapapansin pa ba na umiiyak, nung makita kong wala na, bumalik ako sa garden...
BINABASA MO ANG
Campus Love Story (One Shot)
Short StoryI'm inlove with my bestfriend but I think he is inlove with someone else. However, no one knows how everyone feels. I pushed him to the girl and I cried like a fool. Is it bad for me to wish he'll hold on to me? For us, will there still be a love st...