//Errors Ahead//
Work of fiction na medyo true :>"Hala ang laki laki mo na"
"Hindi ka ba nag-didiet?"
"Milagro may kasya pang damit sayo"
"Tignan mo oh. Walang pinagbago sakanya. Buti pa si Joy, pumayat. Siya kaya kailan?"
"Matalino sana kaso ang laki ng katawan."
Yan ang palagi kong naririnig na mga sinasabi nila patungkol sa kapatid ko kapag nagkikita sila o kami. Kapag sinaway naman, ang sasabihin agad ay
"Sus, joke lang naman yan eh, diba?"
Walang magawa ang kapatid ko, kundi ngumiti nalang siya na parang wala lang yun sakanya. Pero hindi ata nila alam na TAO din ang kapatid ko at may nararamdaman din siya. Dinidibdib niya yung mga sinasabi nila patungkol sakanya. Kapag tinatanong ko naman siya, sasabihin niya nalang sakin na
"Para lang yan sa mga WEAKLINGS! at hindi ako ganun, te"
"Huh? Okay lang ako, te. Ilang beses ko ba sasabihin sayo ate na okay lang ako."
Isa din yan sa mga dahilan kung bakit palaging nakamukmok lang kami ng kapatid ko sa kwarto, dahil ayaw namin makipaghalubilo.
May mga araw na nag eexercise siya dito sa kwarto para lang paliitin yung mga braso niya.
May mga araw din na hindi siya kumakain.
Napapaisip ako minsan, bakit ganyan sila? Ang bait kaya nina mama sakanila, oo aaminin ko na maldita si mama pero alam niya kung saan siya lulugar. Kaya bakit sila ganyan? Kung tutuosin, hindi sa pangbobody shame, ganun din naman sila eh. Bakit pa nila sinasabi yun sa kapatid ko, like can they just let my sister have a normal life? We have a mirror okay. Nakikita niya yung katawan niya.
Nung una pinapalampas ko lang yung mga panlalait nila sa kapatid ko pero itong narinig ko talaga ang nakapag-trigger sakin eh.
Nangyari to nung isang hapon, bumisita yung kaibigan ni mama, si aleng myrna. Nung nakita nya yung kapatid ko, "nag joke" siya. Tinanong niya kapatid ko, "Ano kinakain mo, Ashley, feeds?" Haha nakakatawa. Nahiya naman po ako sa katawan mo po. Mula pagkabata ko parang di ka na nga po tumaas. Yeah medyo bullying natung sinasabi ko about sakanya.
I just wanna let this all out. Napapasama ng napapasama na ang utak ko dahil iniisip ko kung ano ang pwede kong gawin sakanila dahil sa mga pambubully nila kay Ashley.
Hanggang isang araw di na yata nakayanan ng kapatid ko...
Nalaman nalang namin na wala na pala siya.
She committed suicide.
No, she didn't hang herself.
No, she didn't cut her wrist.
No, she didn't jump from a tall building.
Or other bullsh*t things.
What she did was starve herself to death.
Para naman daw lumiit katawan niya.
It did made her body somewhat skinny but the consequences was to end her life
"Even though you were good to them, society will always look for things to destroy you."