"Aray!"
Binatukan niya kasi ako. Eh si Lee Donghae ng Super Junior lang naman talaga ang crush ko eh! Pakialam niya ba! May mga picture nga ako nun sa PC ko eh. Siguro mga 1000+ pictures niya ang naka-save. Ang gwapo-gwapo kasi! Smile palang ulam na. Haha
Nanood na kami ng sine. Hindi ko masyadong naintindihan kasi ba naman tanong ng tanong si Cyrus kung ano bang nangyayari. Bakit kasi ganito pinanuod namin eh? Mga dalawang oras din yung movie na yun. Tapos kakain na daw kami.
"McDo tayo." Gusto ko kasi yung sundae sa mcdo.
"Ayoko nga!" Problema nito?
“AT BAKIT?"
"Baka maghuling el bimbo tayo"
Loading...Loading....
“Baka mag huling el bimbo tayo..."
HAHAHA! Nagulat ako. As in! Tiningnan ko lang siya. Yung puso ko ewan ko kung saan na napunta. Nahulog ata sa lapag o lumipad sa dingding. BAKIT BA SIYA GANYAN? HINDI AKO MAKAPAG-MOVE ON! BWISIT! Teka. Wala naman ata akong balak mag-move on? Haha. Pero minsan baka i-try ko din. Eh kung ngayon na kaya? After ng ilang segundo ng shocking moment na yun eh napagdesisyunan naming sa KFC na lang kumain. Ang inorder ko lang ay fries at krusher at siya naman ay burger.
"Bespren, di ba may girlfriend ka?"
“Tae. Anong klaseng tanong yan?"
May gusto lang kasi akong malaman.
"Eh paano kung sabihin ko sayong may boyfriend na ako?"
*chokes*
Hala nabilaukan ata.
"WEH?"
Gusto ko lang malaman kung anong gagawin niya kung magkaroon ako ng boyfriend. Hindi naman malayong mangyari yun eh. Hindi ko man kasing ganda si Nadine mas magiging maganda din ako in the future. Hindi muna siya nakapagsalita. Nag-iisip siguro ng sasabihin sa akin. Ang tagal ah. Sasabihin niya lang kung anong gagawin niya.
"Ah...eh di okay yun!"
Aaaahhh. Okay lang pala. Nginitian ko lang siya tapos nagpatuloy na sa pagkain ng fries. Ngayong nasagot niya na ang question na matagal ko ng gustong itanong ay pag-iisipan ko na siguro yung mga bagay about love. Hindi naman ako maghahanap ng ipapalit kay Cyrus. Babawasan ko na lang yung pagmamahal na ibibigay ko sa kanya. Paano na lang kung hindi pala siya? Na ako talaga yung nagbubulag-bulagan sa aming dalawa. Kawawa naman ako. Kaya habang maaga kailangan ng pag-isipin ang mga bagay na katulad nito.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami. Madilim na kasi ng mga oras na iyon. Walang nagsalita sa jeep tapos nung nasa may subdivision na kami naglakad na lang kami para tipid. KKB kaya. Hindi naman niya ako nilibre. Badtrip nga eh.
"Sabine..." Tiningnan ko siya "Doon sa sinabi mo. May boyfriend ka na talaga?"
Inakbayan ko siya "Wala noh! Joke time lang yun! Tss. Gusto ko lang malaman kung okay sayo. Eh okay naman pala kaya baka ipasok ko na rin sa isip ko yung mga bagay na yan. Syempre dapat maging isa din ako sa mga pinakamaswerteng babae sa mundo."
"Eh paano kung ayaw ko?"
"Bakit naman? Ayaw mo ba akong sumaya?"
Nasa tapat na kami ng bahay ko.
Nagtitigan muna kami. Kaunti na lang ang agwat ng mga mukha namin. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Yung mata ko kaya maganda para sa kanya?
Dugdug. Dugdug.
Ang tahimik ng place. Bilog na bilog ang buwan. Walang ulap kaya kitang-kita ang mga stars.
Dugdug. Dugdug.
"AYYYYYYYIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEE~"
*toinks*
Bigla kaming naghiwalay. Ampotek. Nandyan ang mga magulang naming pasaway.
"MAMA~!!!"
"PAPA~!!!"
Bwisit talaga. Moment na namin yun eh. Hindi ko tuloy nalaman kung ano yung sasabihin sa akin ni Cyrus. Yung sagot niya pala. Umalis na din si Cyrus kasama si Tito. Dumaan lang daw kasi siya para ibalik yung hiniram niyang dvd kay Mama. Inasar pa nga kami. Bwisit. Nagsorry pa nga si Tito kung nasira ang moment namin. Hindi daw nila nakayanan ang atmosphere. Masyado daw silang kinikilig. Amp. May dyowa na nga yung anak nila.
Umakyat kaagad ako sa kwarto after nun. Ano kayang iniisip ni Cyrus sa mga oras na ito? Dahil sa love ko para kay Cyrus nakalimutan ko na may Nadine pala siya. Kahit mahal na mahal ko siya ayokong lumabas na mang-aagaw ako. Itsura pa lang ni Nadine ah. Ayokong maging second best. Ayoko din na kaya ako ang pinili ni Cyrus dahil niloko siya ni Nadine. Ugh. Ang pride talaga.
Nakakaasar.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?