Panaginip

103 5 1
                                    

“Uwian na!”

Sabik na sabi namin habang papalabas sa pinto ng room.

Naglakad kami pauwi. Kasama ko sina Sid, Ai, Gelene, Tess, Embee, Jhey-Pi, MG at ako si DL.

Sa daan may nakita kaming perya. Pumasok kami doon. Sa pinakadulo nu’n ay may abandunadong palengke at muhkang ginawang parking lot na lang yun.

At isang kotse, may napansin kaming kamay na nakalitaw. Nilapitan naming yun. Nang makita na namin, bangkay pala yun na nakahandusay.

 Biglang nagsalita si Jhey-Pi “Come on! Lets tour!”

“Anung “lets tour” ka dyan! Sige! Mag-isa ka! Ma-d-die ka dyan!” bulyaw ni MG sa kanya.

“Tara na! Umalis na tayo!” nanginginig na sabi ni Tess.

“Tara na nga!” Jhey-Pi.

Pagtalikod naming ay may sumulpot sa harap namin. Isang malaking mama na may takip na maliit na sako na may dalawang butas. Tama  lang para makakita at may suot na sando na nakajumper na may hawak na malaking kawit.

Nagulat kami at napasigaw. “AAAAHHHH!!!>A<”

Tumakbo kami. Sa sobrang takot di na namin makita ang daan palabas. Umikot siya at umikot din kami habang nagtatago.

Nanginginig kami sa takot. Habang umiikot ng patago. Biglang bumulaga siya sa likuran namin at nag-kanya-kanya kaming takbo.

“Dat!” tawag ni gelene sa’ kin. “Hintayin mo ko dat!”

“Bilisan mo!”

“Wait! . . . ah!” nadapa si Gelene. Mabagal na ngang tumakbo nadapa pa!

“Anu ba yan!” tinulunga ko siya tumayo dahil aabutin na siya nung lalaki.

At dahil doon, kami na ang hinahabol ng mama. Ang iba pa naming kasama ay nakapagtago na.

Sinubukan naming magtago sa loob ng kotse pero di naming nagawa dahil madaming bangkay sa loob. Pagod na pagod na kami sa kakatakbo. Halos kinakaladkad ko na si Gelene.

May nakita kaming cabinet at dun kami nagtago.

“mukhang ligtas na tayo dito.”sabi ko.

“ewan ko Dat. Eiii . . .” sabi ni Gelene habang nanginginig.

“O! bkt?”

“sa likod ko.”

“anung meron sa likod mo?”

“Sa likod ko.”

“Anu nga?”

“May . . . b-bangkay.”

Biglang nahulog yung kamay ng bangkay at napasigaw kami.”AAAAAAAHHHHHHHHH!!!”

Tumakbo nanaman ulet kami.

Saan kaya nagtatago yung iba pa naming kasama?

Sa isang banda nakita naming yung murderer.

Natago kami sa ibaba.

Tumingin ulet kami at nakita naming wala na siya.

“Hay! sa wakas!” sabi naming dalawa.

Pagtingin naming sa harap.

“Ay! . . . putek.” Sabi ni Gelene.

“AAAAHHH!!!” run again.

Kung saan-saan na kami tumatakbo hanggang sa nakita na naming ang labasan.

“Gelene. Humingi ka tulong tumawag ka  ng pulis, ng ambulansya, ng bumbero, ng kahit sino. Humingi ka ng tulong. Papasok ako ulet para hanapin sila.”

“Ayoko. Dat. ”

“Anung ayaw mo? Bilis na. humingi ka na ng tulong.”

“E. Dat.”

“Sige na. babalikan ko sila sa loob.”

“Dat.”

“O bakit? Gusto mong sumama sa kin sa loob?”

“O sige tatawag na ko ng tulong.”

Takot pala. Nag-iinarte pa.

At ito ule. Papasok nanaman ako sa loob. Sa di malamang dahilan ang mga bida sa kwento ay laging may napupulot sa sandata. Meron nga at ang dae. Kukunin ko dapat yung chainsaw pero mabigat kaya itak nalang.

“Guys! Asan kayo?” mahinang sigaw ko. Sana marinig nila ako.

“pssst! DL! Nandito kami!”

“Ha? Saan?”

“Dito!” napatingin ako sa kanan at nakita ko sina MG at Jhey-Pi.

Pag bukas ko ng pinto. May nakasampay na bangkay sa may pinto kaya napasigaw ako ng mahina.

“Hoy! Wag kang maingay.” Saway sa’kin ni MG.

At lumabas na silang lahat.

“inaatake na si Tess.” Pag-aalala ni Ai.

“Gusto ko ng umuwi.” Nangiyak-iyak na sabi ni Sid.

“Kumuha na kayo ng sandata ninyo dyan.” Sabi ko.

 May nakitang Barbeque Stick si Embee.

“Ito sandata. Stick.” Natatawang sabi niya.

“Anu ba yan mamamatay na tayo dito nagagawa mo pang magbiro.” Seryosong sabi ni Ai.

“Nasan si Gelene?” tanong ni Mg

“Nasa labas humihingi ng tulong tara umalis na tayo di-”

Biglang may narinig kaming yapak ng malaking mama.

“Lagot! Die na tayo nito.” Say ni Jhey-Pi.

At di kami nagkamali yung murderer ulet yun. Napatakbo ulet kami. Pero si Tess di nakakilos dahil sa inaatake na siya. Nang malapit na sa kanya yung mama. Napatakbo na rin siya inunahan pa kami.

“Ang Bilis tumakbo ni Tess,O.” sabi ni MG.

“Namangha ka pa e aabutan na tayo.” Sabi ko.

 Sabay sigaw. “AAAAAAAAHHHHH!!!”

Sa wakas at nakalabas din kami. Pero hinahabol pa rin kami. Nakakapagtakang wala man lang tao sa peryahan.

May nakaharang sa daan namin. marami kasing rides dun kaya nag-iba kami ng direksyon. May nakaharang ulet. Balik ulet may nakaharang na naman. Malapit na kaming abutan nung mama kaya wala kaming choice kundi ang over the bakod.

Sa harapan ng perya andun na si Gelene. Kasama ang mag pulis, ambulansya, at lahat ng sinabi kong tawagan niya. Kasama din ang mga magulang namin. nang makalabas na kami. Wala na yung mama. Pinasok ng mga pulis ang abandonadong palengke pero wala na siya doon.

Nakit rin nila ang sandamakmak na mga bangkay na nandoon at kinuha nila yun. Kung sino man siya o anu man siya at kung bakit niya nagawa yun ay walang nakakaalam.

Pero di ko Malayan. nagising na lang ako. Panaginip lang pala yun at binabangungot na ko. Hehehe!:D

                           The End!            

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon