10

1.6K 101 24
                                    

KAIYA POV'S


Para akong naging bato ng pumasok si Samuel sa loob ng elevator. Nakatingin lang siya sa akin habang ako ay hindi makapakali. Binalak kong lumabas ng elevator kanina ngunit huli na dahil nakasara na ito.

Darn it!

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito! Damn! Bakit sa ganitong lugar pa kami nagkita. O sabihin na na'tin ayoko pa talagang magpakita sa kaniya.

"Ahmm..."

Mas kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng marinig ko siyang magsalita. He really look matured now. Nakasuot siya na suit ngunit nasa kamay niya nakasabit ang coat niya at tanging white polo ang natira.

"Nice to see you again." saad niya.

Natataeng akong ngumiti, anong nice? Walang nice na makita kita sa ganitong sitwasyon. Hindi pa ako handa!

Lord naman! Bakit niyo po pinakita sa akin ang pagmumukha ng lalaking 'to! Huhu.

"M-me too." nauutal na tugon ko.

Namuo ang mabigat na atmosphere sa aming dalawa hanggang sa bumukas na ang Elevator. Dali-dali akong lumakad palabas ngunit mas lalong kumunot ang noo ko ng sumunod sa akin si Samuel.

Sinubukan kong kumilos ng normal na kahit mamaya-maya ay pwede na akong himatayin dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Nang binalak kong buksan ang pinto ng unit ko ay nakita ko mula sa gilid ng mata ko si Samuel na nakatayo sa pinto ng katabi kong unit.

Agad akong umiwas ng tingin ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya diyan? Hindi kaya siya ang bagong maguupa d'yan sa unit na tinututukoy ni Ms. Qyn?

Oh sh*t! Kung mamalasin ka naman talaga!

Sa dinami-daming tao sa mundong ito siya pa talaga ang uupa sa unit na 'yan!

"Ahm, Kaiya." he called me.

Nag aalinlangang humarap naman ako sa kaniya. "B-bakit?" damn! Bakit ba ako nauutal!

Kalma Kaiya! Kalma.

"Ms. Qyn told me that she left the key of my unit to you. Can i have it?" he casually asked .

"Ah? Yung susi? Teka!" Dali-dali kong binuksan yung pinto pero nagulat ako ng lumabas mula sa pintuan si Zack, buhat-buhat ang tulog na si Sandy.

P*tang*ina!!!!

Ipasok mo yung anak kong hay*p ka!!!!

Nandito yung tatay niyan!!!

Hindi nya yan pwedeng makita!!!!

Halos sumabog na ang ulo ko sa subrang kaba at inis. Jusko! Hihimatayin na talaga ako ng 'di oras nito!

"Oh? Sino siya? Kabit mo?" maangas na sabi ni Zack.

Napahawak ako sa noo ko at hinilot ito. Darn! Kalma ka lang Kaiya. Kalma! Pinsan mo 'yan!

"Yung susi na iniwan ko sayo? Saan na?" tanong ko kay Zack.

"Oh! Teka saglit, hawakan mo muna itong anak na'tin." ngumisi naman sa akin si Zack. Halatang nang-aasar.

Pinanlakihan ko siya ng mata pero mas lalo niya akong nginisian na mala demonyo.

Kinuha ko naman si Sandy sa kaniya. Mula sa bulsa ni Zack ay kinuha niya yung susi at maangas na inabot kay Samuel.

Tumingin naman ako kay Samuel. Natigilan ako ng makitang umiigting ang panga niya. Magkasalubong din ang kilay niya na nakatingin sa susi.

Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO  - ( RPW SERIES #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon