Chapter 25

14 2 0
                                    

"BAKIT ngayon ka lang dumating, Mitchie? Male-late na tayo!" sabi ko pagkasakay ko sa kotse ni Mitchie.

"Sorry, natagalan akong mag-dress up tapos traffic pa," sagot niya at pinaandar na ang sasakyan.

"Dalian na natin. Baka naghihintay na sa 'kin si Janine. Hindi pa naman 'yon mapakali kapag hindi niya ako nakikita," ani ko.

Mitchie chuckle. "Baka ikaw kamo ang hindi mapakali kapag hindi mo siya nakikita."

Hindi na lang ako sumagot dahil totoo naman ang sinabi niya. Ako nga naman ang hindi mapakali kapag hindi ko nakikita si Janine. Kahit malingat lang ako ng tingin kay Janine ay hindi na talaga ako mapakali. Kung pwede ko lang itali si Janine sa 'kin ay ginawa ko na para hindi na siya makawala pa.

She glanced at me. "Ang gwapo mo ngayon, ah," puna niya.

I chuckled. "K-pop idol ako ngayon, Mitchie. I need to dress up like a K-pop idol today dahil fangirl ang costume ni Janine."

I looked at my reflection on the mirror of the car. Bagsak ang buhok ko gaya ng karaniwang hairstyle ng mga K-pop idols. I even have a headband on my head to maximize the "K-pop vibes."

Nakasuot ako ngayon ng plain black t-shirt na pinatungan ko ng black leather jacket. Marami pang accessories na nakakabit sa damit ko dahil ginagaya ko talaga ang street fashion ng mga K-pop idol.

Sana ay hindi maglaway si Janine kapag nakita niya ako. Baka mamaya ay para siyang gutom na tigre na basta na lang ako lalapain kapag nakita na niya ako.

I chuckled because of my thought.

I touched my hair. Nagpagupit pa ako kanina para ma-achieve ang ganitong hairstyle. Doon na rin ako sa salon nagpa-style ng buhok.

"Bakit pala vampire ang peg mo ngayon?" tanong ko sa kan'ya.

"Wala lang. Trip ko lang na vampire." Nang nasa kalagitnaan na kami ng trip, nagsalita si Mitchie. "May tanong ako, Aiden."

"Ano 'yon?" I asked, looking at my phone.

"Paano malalaman kapag mahal mo na ang isang tao?" bigla niyang tanong.

Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa tanong niya. I looked at her with my widened eyes.

Tama ba ang narinig ko? Ang best friend kong walang pakialam sa pag-ibig ay nagtatanong kung paano malalaman kapag mahal mo na ang isang tao? Baka naman ay namamali lang ako ng rinig.

Iwinasiwas niya ang kamay sa harap ko. "Don't assume na it's for me, ah. Para sa friend ko kaya ako nagtanong. Gusto kasing malaman ng friend ko kung paano malalaman kapag in love na," depensa niya.

Tumango-tango naman ako. Hindi ako naniniwalang galing sa friend niya ang tanong na 'yon.

"Ano ba'ng nararamdaman ng friend mo?" tanong ko.

"Uh... Bumibilis ang tibok ng puso kapag nakikita 'yung lalaki tapos parang may something sa tiyan," sabi niya.

"Nararamdaman ko rin 'yan kapag kasama ko si Janine, pero hindi naman porke't nararamdaman 'yan ng friend mo ay in love na siya dahil pwede rin namang gusto niya lng 'yung taong 'yon," saad ko.

Tumingin ako sa bintana. "Malalaman mo na mahal mo na siya at hindi lang gusto kapag lagi mo siyang hinahanap. Malalaman mo kapag siya 'yung nagiging pahinga mo, kapag sa kan'ya mo nahahanap 'yung peace. Mas malalaman mo na mahal mo na siya kung hindi mo kayang mawala siya sa 'yo. Kapag gusto mo lang 'yung isang tao, hindi ka masyadong takot na mawala siya. Kapag mahal mo naman, takot na takot kang mawala siya sa 'yo na para bang mamamatay ka kapag nawala siya."

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon