Chapter 26: Trouble

47 2 0
                                    

-CHAPTER 26-

Monica's POV

Tumigil kami sa pinakalikod na parte n Barcelona Academy . Sa pangalawang pagkakataon nagkatinginan kami ni Ericka na parang iisa lang ang utak namin

Sabay humagod sa likod ni Alexa ang mga palad namin na kasalukuyang nakatalikod na hindi man  rinig ay alam naming naluluha

"Kaibigan mo na kami,Wala kaming plano na iwan ka." banggit ni Ericka na nagpagitla kay Alexa . Tila hindi niya inaasahan ang lahat ng sinabi sa kanya ni Ericka . Tulad niya nagulat din ako . Tila walang plano si Ericka na masira ang samahan na ito .

"May hindi ka ba sinasabi sakin? Nandito ako, kami ni Ericka para makinig" dagdag ko pa para lamang bigyan siya ng pakikiramay .

Napaharap siya saming dalawa ni Ericka at hindi man ako nakatingin ay alam kong nakangiti dib siya kay Alexa .

*

Yung next scene ay kinukwento na ni Alexa yung nangyari kung bakit siya nasa Barcelona Academy at kung anong nangyari sa kanya sa Seirin High . -fmijastia

-

Simula noong lumipat ka sa barcelona lahat nagbago ,Tila nawalan ako ng kakampi . Nawalan ako ng kaibigan .

Unang araw ng pasukan noon,Malungkot man dahil nalaman ko nang umalis ka ay pumasok pa din ako . Umaasa na magkakaroon ako ng bagong kaibigan kahit na alam ko sa sarili ko na iba ka sa lahat.

Ilang linggo matapos kang makalipat sa bagong paaralan,Kung gaano ka kasaya sa bagong paaralan ay kabaligtaran naman ng kalagayan ko sa Seirin High .

Hindi makatakas sa maiinit na mata ng estudyante ng Seirin High ang relasyon natin bilang magkaibigan .

Ipinagkalat ni Andrea sa paaralan ng Seirin High ang mga isyu tungkol sayo na pawang hindi makatotohanan .

Ginamit niya ang pangalan niyang Queen Bee para paniwalaan siya ng lahat . Ang posisyon na naiwan mo simula noong lumipat ka sa Barcelona Academy. Ang kanyang impluwensya sa mga estudyante ang nagpatibay ng lahat

Walang araw na hindi ako nakakaranas ng sakit mula sa kanila . Pilit sinira ni Andrea ang pangalan na binuo ko noong magkakasama pa tayo doon na sa isang iglap lang nawala .

Walang isa sa mga estudyante ng Seirin High ang sinubukan makipag kaibigan sakin dahil sa takot nila kay Andrea na tinaguriang Queen bee sa mga panahon na iyon .

Minsan iniisip ko na sana kung hindi kita nakilala hindi ganito kamiserable ang buhay ko,Sana kung hindi mo ko tinulungan wala akong tatanawin na utang na loob at Sana simula noon hindi ko nararanasan ang mga sakit na to .

Pero sa tuwing binabagabag ako ng ganitong mga kaisipan sa utak ko naalala ko yung araw kung saan binigyan mo ko ng pagkakataong mabuhay at pagkakataong itama ang mali ko .

Lagi akong naluluha lalo na kapag naiipit ako sa ganitong sitwasyon parang gusto ko na kitilin ang buhay ko. Pero naalala ko kung paano mo isakripisyo ang sarili mong buhay ng walang alinlangan at ngumiti sakin na hindi alintana ang pasa na nakuha mo dahil sa ginawa mo .

Pinipilit kong tiisin ang lahat sa abot ng makakaya ko .

Isang araw napag alaman kong nangangalap ng impormasyon si Andrea upang alamin kung saang paaralan ka lumipat ng paaralan .

Itinanong niya din sakin ang tungkol sa paaralan na nilipatan mo pero hindi ako sumagot . Sampal ang itinugon niya sakin na nakita ng halos lahat ng estudyante ng SH na kasalukuyang nasa Corridor ng paaralan, na normal na lamang sa mga paningin nila at normal na din sa katawan kong manhid .

Hindi man siya nakakakuha ng sagot ay paulit ulit niya pa rin akong tinatanong at nag aasam ng sagot .

Habang naglalakad ako papunta sa silid aralan nakarinig ako ng usapan ng dalawang babae na hindi kalayuan sakin . Agad komg ikinubli ang sarili ko ng marinig ko ang pamilyar na pangalan

"Confirm,Ms.Andrea . Monica Montecillo is transfered to Seirin High's Rival school . The Barcelona Academy,The top schools in securing sons and daugthers of business tycoons."

"Good,Well done Alice . You really never disappointed me. See you in Barcelona Academy . I will make her life for the Second time as the most unforgettable nightmare"

Agad akong umalis sa kinukublihan ko ngunit nagulat ako ng makabunggo ako ng isang babae at ang lalong nagpagimbal sakin ay noong mapagtantong si Andrea ito .

"Kanina ka pa ba diyan ? Ha?!" tanong niya sakin habang mababakas ang disgusto sa mga mukha nito

"H-hind-i p-po,Papadaan pa lang po ak-o" mautal utal kong tugon .

Hindi niya na ako sinagot at itinaas na lamang ang kilay nito sabay naglakad paalis .

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi niya ako sinaktan at nagtanong . Papaalis na ko ng makita ko na ang babaeng kausap niya kani kanina lang ay matalim na nakatitig sakin

Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin ay bagkus dumiretso na ako sa silid aralan

Napagtanto ko kung ano ang nais ipakahulugan ni Andrea sa mga sinabi niya .

Gusto niyang maranasan mo sa pangalawang pagkakataon ang bangungot na dinala niya sayo
At ang bagay na yun ang gusto kong pgilan

Kinabukasan matapos ang araw na iyon ay inayos ko ang mga papeles na kailangan ko sa paglipat sa Barcelona Academy.

Ipinangako ko sa sarili ko na . Hindi mo na muli pang mararanasan ang bangungot na iyon dahil hindi ko siya hahayaan na gawin iyon

Ipinangako ko din sa sarili ko na sa paglipat ko ng Barcelona Academy mas magiging matatag ako .

Magiging matatag ako sa taong naglitas at nagsakripisyo ng buhay sakin

Sa pagkakataong ito Monica hindi ko hahayaan na masaktan ka matapos halos mag agaw buhay ka sa pagligtas mo sakin

Hinding hindi ko yun kinalimutan at wala akong balak kalimutan

If this thing may cause trouble, I am whole heartedly sacrificing myself in exchange .

The next thing I knew she passed out .

✂-----------------------------------------------

A/N:: Feb 1 na bukas . Okay its getting closer . Whaha :D 14 days to go birthday ko na lol .  Chapter 26 released  . This chapter is dedicated to OwwSIC writer of Diary ng hindi malandi slight lang  Book1 to 3 and Ang Mahiwagang Bra ni Lola . Guys basahin niyo mga story niya kung hindi niyo pa nababasa . Matatae kayo kakatawa  XD

Visit my wattpad profile for 1shot stories

-fmijastia

There's no turning back  (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon