Chapter 5: Back to school

17 0 0
                                    

Back to school means, back to paper works and back to being a busy person again. 

While yawning, I finally manage to take my fat of the bed. Medyo inaantok na pa nga ako kasi mga alas dose na ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang inis at dahil na din sa kakaisip sa kung ano’ng itsura ko kagabi habang naglulupasay.

Agad na akong dumiretso sa C.R upang maligo, pagkatapos ay nagbihis at bumaba na ako para mag almusal. 

Pagkakita ko palang sa lamesa, lumalaki talaga ang mata ko ng ganito O_O kasi naman, ang mga paborito kong almusal ay nakahain sa lamesa. 

May Hotdog na may cheese, may Tocino, may Omellette, may fried rice at syempre may Hot chocolate pa. Oh ‘di ba? Sino’ng ‘di magtatakam n’yan?

Agad naman ako kumaripas sa lamesa upang umpisahan na ang pag lafang!

“Ma, ang sasarap ng mga niluto mo!”

“Talaga?”

“Opo!”

“Aba syempre! Dapat lang na ipagluto ko ng masasarap na pagkain ang nag-iisa kong prinsesa. Anak mag-aaral kang mabuti ah? ‘Yang lovelife mo, uhm? Ayos lang naman magkaroon n’yan basta ba’t alam mo kung paano iyon babalansehin. Pero sweetheart, dapat alam mo kung ano’ng priority mo.”

“Opo mama!”maligayang sagot ko sabay kagat sa hotdog! Ang sarap talaga!

 “May lovelife kana ba anak?” biglang tanong ni mama

Meron nga ba? Ang pagkakaroon ban g crush ay matatawag na lovelife?

‘Di ko alam eh, kasi kung ‘di n’yo na maiitatanong. NBSB po ako. Sa ganda kong ito, wala pa din akong nabibingwit. 

“Wala po ma!” sagot ko

“Weeeehh?”

“Opo nga po, promise!”

“Eh, crush meron?”

“Meron po mga celebrities po. Lalo na po ‘yung bandang  The Vamps, grabe ang galing po nila kahit sa Youtube ko lang po sila napapanood, pero grabe ma! Ang astig nila! Gwapo pa!” sagot ko

“Eh ditto anak? Dito mismo sa bansa natin, sa lugar natin? May nakakacrushan ka ba dito?”

“Ay, wala po ma!”

“Weeeh? 

“Ayts, opo nga po ma!” napapangiti ako, para lang kasi kaming barkada ng pamilya ko. Lalo na noong nandito pa sila Kuya at Papa, naku, grabe ang ingay naming!

Nang matapos na akong kumain, agad naman akong nag sipilyo.

“Sige po Ma, pasok nap o ako”paalam ko

“Ah sige, ingat anak ha! Ay, ito pala ang baon mo.”

“Salamat po. Sige po Ma!”

Agad kong tiningnan ang inabot sa ‘kin ni Mama. Naks, umaasenso na ako ah?

Tingnan nyo dati, 50 lang ang baon ko ngayon, 70 na. Umangat ng 20 ah? 

Pumara na ako ng Tricycle at nagpahatid na papuntang school.

Ilang minute pa ay nakarating na ako sa schhol. Bumaba na ako’t nagbayad na at saka dumiretso sa loob ng school.

Alas 7 na pero marami pa ring estudyanteng nakatambay sa Corridor at saka park. 

“Ella, pahiram nga ng suklay.”sabi ng kaklase kong si Rona.

“Grabe huh? Kakadating ko lng ‘yan na agad ibubungad mo sa ‘kin, wala man lang goodmorning?” sagot ko

Girl on FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon