SNAP 1: Sierra and Alexa
One month nalang at 18th birthday ko na. Mag-eeighteen na ko pero wala pa rin akong first kiss at never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Although I have been kissed by a few girls and had two girlfriends.
Ika-clarify ko lang ha? I'M NOT A LESBIAN. I'm just a nice and quiet girl who people like to take advantage of.
Sierra ang pangalan ng first girlfriend ko. Pareho kaming thirteen years old at two years na rin kaming magkaklase pero never kaming naging close. Noong mga panahon na yun ay nakipagbreak sa kanya ang boyfriend niya. And she wasn't taking it too well. Nakakapanibago dahil isa siya sa mga jolly sa classroom, yung tipong mahahawa ka sa pagiging jolly at cheerful niya kapag kasama mo siya.
Wala siyang kinakausap noon. Lagi siyang nasa isang sulok ng classroom at doon nagmumukmok. Ako naman 'tong naawa, nilapitan ko siya.
"Sierra, here." mahinang sabi ko sa kanya sabay abot ng panyo ko. She was crying back then.
"T-Thank you, Elise." sabi niya at ngumiti ng pilit.
After that, kinuwento niya sa akin yung buong lovelife niya. And to be honest? Na-bored lang ako pero hinayaan ko nalang siya dahil alam kong makakagaan sa loob niya kung may pagsasabihan siya ng problema.
"Thank you talaga Elise. You reminded me of a teddy bear who always there to comfort me. You're my teddy bear!" she said cheerfully then hugged me.
That's when I came to comfort a girl I barely knew. Ang weird niya. Simula nun, lagi ng teddy bear ang tawag niya sa akin.
Isang araw, mas lalong hindi ako naging handa sa sinabi niya sa akin.
"Elise, can I be your girlfriend?" malambing na tanong niya sa akin.
At ako naman 'tong shunga na hindi alam ang salitang "NO", ayun, napa-yes nalang.
One week din ang tinagal ng relationship namin bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanyang hindi na magwo-workout kung ano mang meron kami. Pero bago ko nasabi yun,
"Break na tayo. Alvin wants me back." malamig na sabi niya sa akin.
"Okay." yan nalang ang nasabi ko. Pipigilan ko ba siya? In the first place, ayoko naman talaga nito.
How lame is that? I got dumped by a girl that I didn't even like! Ginawa pa akong rebound.
Ang second girlfriend ko naman ay si Alexa. Thirteen years old pa rin ako nung naging kami. Siya naman ay seventeen years old.
Nagtataka siguro kayo kung paano na naman ako napunta sa ganitong sitwasyon? Yun ay dahil wala na akong choice!
Nasa comfort room ako nun at naghuhugas na ng kamay bago lumabas. Sa paglabas ko, nakasalubong ko ang grupo ng mga mean girls na papasok palang sa comfort room. Si Alexa ang leader nila.
Nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinatak papasok ulit sa comfort room kasama ang mga alipores niya. Pero mas ikinabigla ko ang sinabi niya sa akin.
"I heard you had a relationship with the jolly girl. Wanna try it with me? I want to be your girlfriend. Sa ayaw at sa gusto mo!" she said and they left me with this face o__o
Seriously?! Gaano ba kalakas ang effect ko sa mga babae?
Napakademanding niya at inaamin kong natatakot ako sa kanya. Siya yung tipo ng babae na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto. Akala niya siguro, babae rin talaga ang gusto ko after the whole Sierra thing.
Nalaman kasi ng buong school na naging kami kaya inakala nilang lesbian ako. Saklap lang! Bakit kasi masyado akong mabait?
So ayun nga, naging kami ni Alexa. Isa siya sa mga mayayamang estudyante sa school namin. Kaya sikat siya pero kahit ganun, hindi niya inilihim sa ibang tao ang relasyon namin. How I wish na sana inilihim na lang niya!
Well, sa relationship namin, walang specific kung sino ba ang may boy or girl's role pero obvious naman na ako yung boy 'di ba? She's too girly at ako naman boyish manamit. Hindi lang talaga ako palaayos saka mas komportable ako sa mga panlalaking damit.
Lahat nasasabi ko kay Alexa. As in lahat. Except the fact that I don't like her as much as she likes me. Our relationship was just being us. Para na kaming bestfriends.
Haaaays. I know, my life sucks. Nagbreak din kami recently.
"Elise, I will go to US tomorrow together with my family. So we must break up. This will never gonna work if we are far from each other. I don't want a long distance relationship. Bye." malungkot na sabi niya at niyakap ako ng mahigpit bago siya pumasok sa sasakyan nila.
A part of me was saying, dapat masaya ako at break na kami.
Oo masaya talaga ako dahil wala na akong demanding na kasama araw-araw.
But there was a part of me saying, malungkot ako sa pag-alis niya.
With a short period of time na naging kami, nakilala ko ang totoong Alexa na kinatatakutan ng mga babae sa school namin. She's just tough in front of many people but whenever she's with her friends, she's just her. A simple and loving Alexa.
What a life I lived! And to think, this is not over yet.
laters loves...