CHAPTER 20

1.4K 56 0
                                    

Jessel

"You're spacing out again."

Nakatulalang tiningnan ko lang si Zack na nagtatakang nakatingin sa akin bago ibalik ang paningin sa pagkain kong hindi ko man lang maubos-ubos.

I'm still shock about what happened yesterday. Sa sobrang gulat ko, muntik na tuloy hindi mag function ang utak ko sa nalaman.  I mean, harap-harapan kong nakilala ang ex-girlfriend ni Zack. No wonder kung bakit may mga pasa siya sa katawan na naghihilom palang. Ibig sabihin hindi pa matagal na panahon nang mangyari yun? Yung panahon na muntik ng mapatay ni Zack si Fiona?

Naitanggi ko tuloy kay Fiona na wala si Zack sa kanyang opisina at may business meeting. Bakas ang panlulumo sa mukha niya pero nanatili parin akong nagmatigas. Matapos niya akong pakiusapan na sabihin kay Zack na pumunta siya ay mabilis din siyang umalis.

I'm still not get over with it. I mean, kung ako kasi yun, hindi ko na kakausapin pa ulit si Zack dahil sa ginawa niya. But hell, that girl is brave. Or rather he really loves Zack.

Sunod-sunod akong napaubo dahil bigla nalang akong nabilaukan sa naisip. Mabilis kong ininom ang tubig na hinanda para sa akin ni Zack at inubos ito.

"Yan kasi, hindi kana naman ba nakatulog kagabi? You're spacing out yesterday ti'll now. May nangyari ba?"

Umiling ako sa kanya bago punasan ang bibig ko gamit ang likod ng kamay ko. "W-Wala namang nangyari. Iniisip ko lang kung anong bibilhin ko mamaya." Ang tanging nasabi ko sa kanya na sana ay paniwalaan niya.

Nandito kami sa condo niya at obviously, pinaghahanda niya ako ng almusal dahil sa sobrang kalutangan ko, muntik ko ng masunog ang buong condo unit ko. Buti nalang at biglang pumasok si Zack para pigilan ako.

Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa harapan ko at kumakain din.

"I know something is wrong. Lutang kana since kahapon nang makabalik ka sa opisina. Care to tell me?"

Naging tikom ang bibig ko kahit sobrang lumanay ng kanyang boses. Paulit-ulit kong sinisigaw sa isipan ko na wag maging marupok.

"H-Hindi ko pa kayang sabihin sayo." Saad ko at umiwas sa mapanuri niyang tingin.

Alam ko namang karapatan niyang malaman na pumunta ang ex-girlfriend niya sa opisina pero ayokong sabihin sa kanya. I maybe selfish but I don't want to hurt him again.

Saksi ako kung paano siya nasaktan nang minsang sumugod ang mommy ni Fiona at kahit hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila, nakakasiguro akong hindi yun maganda para masaktan ng ganun si Zack.

I heard him sigh. "Fine. Hindi ko man yan alam pero please, wag mo muna yang isipin para hindi ka maging lutang. Ayos lang sana kung may sweldo ako sa pagsilbi ko sayo."

Napasimangot ako at binato siya ng tinidor na iniwasan lang niya kaya naglikha ito ng tunog nang tumama ito sa sahig.

"Alam mo, napaka tangina mo. Akala ko pa naman libre tong ginagawa mo sa akin."

"Na-ah. Hindi 'to libre. Lahat 'to may kapalit. And please, stop cursing me. Lilinisin ko talaga yan, makikita mo."

Inirapan ko lang siya bago kinagatan ang hotdog. "Ano namang kapalit? At paano mo naman lilinisin 'tong bibig ko? Bibigyan mo ba ako ng holy water para imumog ko?" Sarkastiko kong tanong sa kanya na nakataas pa ang isang kilay.

Bigla nalang siyang ngumisi ng nakakaloko saka tumayo at inangat ang mukha ko gamit ang kanyang hintuturo.

"Paano?" He huskily said as he look intently in my eyes. Mariin pa akong napalunok dahil parang naging semento ang paa ko at hindi ko ito makagalaw. "By," his stare went down to my lips. "doing," he lick his lower lip as he caress my lower lip. "this." With that, he crashed his lips on mine causing my eyes to bulged in shock.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon