Chapter 6

1 0 0
                                    

#SIC C-06

Bigla akong ini-follow ni Hermes sa account ko. Ini-follow ko rin siya pabalik habang paulit-ulit na kinakagat ang mga kuko ko.

Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa'kin pero sa tuwing naiisip ko yung matalim na tingin ni Canter kay Hermes, para akong mapa-praning sa kung ano ang maaari niyang gawin.

Gago pa naman 'yon.

Tumayo ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Sinalinan ko ang walang lamang baso ng malamig na tubig bago ibinalik ang pitchel sa ref. Huminga ako ng malalim at agad na ininom ang tubig.

Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng guilt. Para rin kasi akong walang nagagawa para tulungan si Hermes. Pero kahit gaano ko kagustong protektahan siya mula sa lalaking 'yon, hindi ko naman alam kung paano. Nakaka-putangina lang. 

Nilagay ko sa sink ang baso at dinampot ang cellphone ko nang tumunog 'yon. Auto accept call nang nakitang si Brave 'yon.

[Anong maililingkod ko sa iyo, kamahalan?] sabi ko nang itinapat sa tenga ang cellphone.

[Did you get the box?]

[Syempre naman. Kinamusta ko rin pamilya natin, ayos lang raw naman si Tito. Si Valiant naman nag-aaral ng mabuti.]

[Alright, thanks.]

[Walang anuman. Pasalubong ko ha.]

[Apollo ate the chocolates.]

[Ha?] Kumunot ang noo ko. [Bobo ba siya? Bakit?]

[My luggage was already full so I gave it to him since his luggage still has space. The asshole thought it was meant for him.] giit niya at mahinang tumawa nang sinabi ang huling sentence.

[Magkatabi ba kayo ngayon?]

[Kinda. Why?]

[On mo speaker mo, Brave. Murahin ko lang siya sandali.]

[You'll do that just for the chocolates?] Nahimigan ko ang pagkalito sa boses niya.

[Kahit walang tsokolate minumura ko pa rin naman 'yan.]

He chuckled. [Calm down, Arus. Bilhan nalang kita ulit.]

[Kailan ba kayo uuwi?]

[Tomorrow.]

[Sige, ingat! Sunduin ko kayo sa aiport.]

[Thanks.] aniya at pinatay na ang tawag.

Kinagabihan ay magdamag lang akong nanood ng tv. Pilit kong binabalewala ang pagtunog ng cellphone ko at nasa balita lang ang buong atensyon ko. Nang nakita ko sa weather forecast ang bagyong nakapasok na sa PAR ay awtomatikong kumunot ang noo ko. Dali-dali kong inabot ang cellphone ko at tinawagan si Brave.

[What?] Malumanay niyang sabi.

[May bagyo raw na nakapasok na sa PAR. Delayed na ba byahe n'yo?]

[Uh, no. We're already at the airport actually. It's okay, Arus. The majority of the disruption occurs at ground level, therefore, there will be no issues flying above a hurricane. In simple words, we'll be flying over the typhoon. There's nothing to worry about, we'll be there tomorrow just like the plan.]

[Ah okay,] giit ko. Narinig ko ang pagsabi ni Apollo ng 'tanungin mo nga ba't di ako ni-rereplyan' kaya agad ko nang binaba ang tawag bago pa gawin ni Brave ang bulong ng demonyo.

Hinagis ko nang mahina ang cellphone ko kaya nasiksik 'yon sa kabilang side ng sofa. Muli akong bumalik sa pakikinig ng balita pero palagi akong nadi-distract dahil sa paulit-ulit na namang pagtunog ng cellphone ko.

Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon