Chapter 1

3 6 0
                                    

He Save My Life!”

Emily's POV.

Nagising ako at naramdaman kong kumikirot ang bandang kaliwa sa tiyan ko.pagkakita ko ay may tama ako.

Ngunit sino ang nagligtas sa akin?

“Gising ka na pala,napagkamalan ka ata na Zombie ng Dalawang lalaking armado”wika nito,“Pero mabuti na 'yon dahil miyembro sila ng Mentago”dagdag niya.

by the way okay ka na kailangan mo na lang magpagaling”lumapit siya sa akin at umupo,“By the way I am Wise Montego,You can call me Doc.Wise”pagpapakilala niya.

Wise?Doc.Wise?”gulat na wika ko at lumingon ako sa kanya,“Bakit parang gulat ka?”tanong niya.

Naghari ang katahimikan ng ilang segundo bago ako magsalita,“Noong nacomatose ako nanaginip ako at si wise,Doc.wise nakilala ko sa panaginip ko.Hindi ko maalala ang mukha niya”pagpapaliwanag ko at tumitig siya sa akin at ngumisi.

oh nice,mabuti kung ganoon”seryosong wika nito.

by the way I am Emily morezelle” pagpapakilala ko at tumingin siya sa akin.

"Pamilyar ang name mo, siguro nakita ko lang 'yun sa hostpital”wika niya at inihagis sa akin ang dalawang piatos.

Naglingon-lingon ako at namalayan ko na nasa isang Convenience store pala kami.
Ang mga bintana't pinto ay natatakpan ng diyaryo upang hindi kami makita.

Tatayo sana ako upang kumuha ng softdrinks kaso biglang kumirot ang sugat ko.

“bakit ka ba tatayo? Umupo ka lang sabihin mo na lang kung ano kukunin ko”suwestiyon niya at itinuro ko ang lalagayan ng Softdrinks.

“alam mo sinadya ko talaga rito e para maraming pagkain”wika niya at tumawa,“sa sususnod sa ibang store naman tayo pag
-ubos na mga paninda rito”dagdag niya.

Tumitig ako sa kanya at masasabi kong nasa twenty years old na siya,at may itsura.

Gabi na at kumakain pa rin kami pero inuunti-unti lang namin baka maubos.

Napatago naman kami ng biglang may nabasag.

“just stay here Emily, titingnan ko lang Kung ano 'yon”Wika ni Doc.Wise at dahan-dahang umalis.

Ilang minuto ang lumipas ay wala pa rin siya. Nagulat na lamang ako ng biglang may naramdaman ako sa likod ko.

Ano 'to may nakatutok?

taas mo kamay mo”Wika ng hindi pamilyar na boses.

Sa takot ay itinaas ko ang kamay ko.

Sa pagalagay ko dalawa 'yong taong nasa likod ko pero nasaan si Doc wise?

Nakarinig ako ng mahinang tawa ng tatlong lalake sa likod ko kaya nailang ako baka ako 'yong tinatawanan.

“Uto-uto”rinig kong wika ni Doc.wise.

Paglingon ko ay tumambad sa akin ang tatlong lalake.si Doc.Wise at may kasama siyang dalawang lalake.may dala silang baril at baseball batt.

“Not funny”naiinis na sambit ko at inirapan sila.

Emily sila pala 'yong pumasok rito para maghanap ng pagkain,kala ko nga masama sila e”wika ni Doc.Wise.

Lumingon ako sa kanila at mataray na itinaas ang kaliwang kilay.

“Emily? Emily right? Ako nga pala si...Luke at itong kasing Edad mo na pogi ay Si Gaze,Pamangkin ko”pagpapakilala niya.
At umupo na ako at kumain.

Bigla ko namang namalayan na nawala na unti ang kirot ng aking sugat,salamat sa kanila.

“Alam niyo? Hindi kayo ligtas rito...”pambibitin niyang wika,“Dapat ay sumama kayo sa amin at huwag kayong mag alala hindi kami miyembro ng Mentago Brother hood,Dalawa lang kami ni Gaze. At base sa mukha niyo ay hindi kayo marunong humawak ng baril at pumatay"Pagpapatuloy niya.

Humawak siya sa balikat ni Doc.Wise at tumingin sa aming dalawa,“Oo,Alam kong Doctor ka Wise...Ngunit Kailangan mong Pumatay upang makaligtas,At mailigtas ang kasama mo”Wika ni Luke.

“hindi ba Gaze at Luke ang ngalan niyo?”Wika ko at tumango sila,“Napanaginipan ko rin kayo kaso hindi ko rin matandaan ang mukha gaya si Doctor Wise”dagdag ko na napatawa sila.

“panaginip lang 'yan bata...halika na Gaze kumuha na tayo ng kailangan natin at umalis na”.

Marami silang kinuhang Delata at Inilagay nila ito sa kanilang Bag.
Si Doctor Wise naman ay tulala.

Aalis na dapat sila ngunit biglang pinigilan ito ni Doc.Wise.

“Saglit!”wika niya,“Sasama kami”pahabol nito.

Agad naman akong nag-inarte,“Ano?! Doc.wise?! Sige pero never! Never akong papatay!”.

Grrr!masyado pa akong bata,masyado pa akong inosente upang pumatay rin ng inosente.Oo Zombie sila pero parang pumatay narin ako ng tao kung ganoon.

— - —

February Twenty OneWhere stories live. Discover now