Kabanata 1

1 0 0
                                    

"Inay? Maaari po ba akong pumunta sa sentro ng bayan? Nais ko po sanang bumili ng gamit mula sa salaping aking naitago."  Napabaling agad sa akin ang atensiyon ni Inay.

"Kailan anak?" Agad akong napangiti sa kanya at kumapit sa kaniyang braso.

"Ngayon po sana Inay bago po tayo pumaroon sa hacienda. Malapit lang naman po iyon sa Hacienda kung kaya't huwag na po kayong magalala."

"Hindi maaari Romana, maraming estranghero sa paligid, wala ka pang kilala rito sa Biñan Romana kaya't magtigil ka" napabuntong hininga nalamang ako at bumalik sa pagluluto.

"Pumapayag na ako Romana, huwag ka lamang magtitiwala sa mga ginoong iyong makakasalamuha. Marami ang nagkalat na español na sundalo rito sa laguna kung kaya't magiingat ka, sikapin mo rin na makarating sa hacienda sa tamang oras." Halata ang takot sa tono ni Inay. Dumarami nanaman ang mga Espanyol sa Maynila, maaaring sa susunod ay tuluyan na nilang masakop ang buong Pilipinas.

"Sige po Inay" Agad kong tinapos ang pagluluto at nagayos na para sa aming pagalis. Binuksan ko na rin ang isa sa lima kong Alkansiya na likha mula sa kawayan at kinuha ang mga salapi upang makabili ng munting regalo para sa aking nakababatang kapatid na si Romulo.

"Singkwenta pesos at Bentesingko sentimo ang naipon ko sa isang alkansiya" wika ko matapos ang aking pagbibilang. Para akong lumilipad sa kagalakan, sa wakas at mabibili ko na rin ang pluma at papel na aking nakita sa sentro.

Ibinalot ko ang aking salapi sa isang puting tela at inilagay sa aking dalang bayong.

"Romana! Halina't pumaroon sa Hacienda!" Agad akong lumabas saing kwarto at lumapit kila inay habang bitbit ang isang bayong.

"Alena, magiingat ka rito. Kami'y hahayo na" paalam ni Ina. Nagpaalam narin ako kay Ate Alena at tuluyan nang naglakad.

"Ate Romana, tila ibang iba ka ngayon. Sa aking mata'y mas lalo kang gumaganda ngayon." Agad na tumawa sila Ina at kuya Andres sa winika ni Romulo.

"Hay nako Romulo, ikaw talaga'y tunay na hambog. Magtigil ka na't hindi ka talaga gugustuhin ng iyong tinatangi kung ika'y mananatiling hambog" Agad namang humalakhak sina Inay na siya namang ikinasimangot ni Romulo.

Nang marating namin ang sentro ay nagpaiwan na ako sa may palengke samantalang sina Inay ay nagpatuloy na patungo sa Hacienda.

Agad akong naglakad lakad at dumungaw sa mga malalaking bilihan rito sa Biñan.

"Ka'y Ganda" wika ko habang tinatanaw ang isang saya na disenyo sa isang tindahan. Isang saya na kulay pula na may burdang mga rosas na itim. May mga bato rin na nakapalamuti rito kaya't mas lumitaw ang ganda ng sayang ito.

"Alis! Huwag kang humarang harang sa aking bilihan kung gayong hindi ka rin lang bibili." Bakas sa boses ng matandang babae ang Inis. Aalis na sana ako ngunit may biglang bumasag sa katahimikan.

"Kung gayo'y akoy aalis na't hindi na titingin pa sa iyong mga saya, sapagkat ako'y tulad lamang ng binibining ito. Nag mamasid lamang at hindi bibili, sayang lamang ang aking salapi sa mga produktong binebenta ng mga walang modo't respeto sa kapwa."

Agad akong napahinto sa kaniyang binitawang salita. Unti unti kong nilingon ang ginoong nagsalita.

Isang matangkad, maputi't makisig na ginoo. Inaamin kong siya ay gwapo at makisig, may prinsipyo rin kung kaya't palihim akong natuwa sa aking nasilayan.

Ito ang unang beses na ipinagtanggol ako ng isang estranghero sa malulupit na tindera.

"Hindi naman sa ganoon ginoong Rafael, sa aking palagay ang binibining iyan ay magdadala ng malas sa aking tindahan. Sapagkat kung makikita siya ng ibang mayayamang mamimili, ikinababahala ko na maaaring mapilitan silang hindi tumuloy dahil sa pandidiri nila sa binibining ito."
Agad na kumulo ang aking dugo. Matapobre! Hindi porke dukha ako'y kakaya-kayahin na lamang nila ako.

Ang Ating PagIbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon