Chapter 29
Tig-isang duffle bag lang kami ni Theo at bitbit niya ang mga 'yon pababa. Ako naman, I brought with me a small bagpack din for my other things. Ganito naman lagi, mas marami akong dala. I tried to act normal around him so that he won't notice that I know what happened.
Theo was also acting like he's fine now but I know that he's not that's why I promised myself to not stress him today. Mabuti na lang din at sa dagat ang punta naming dalawa at baka makatulong 'yon sa kanya kahit papaano.
"I'm excited", I said pagkapasok ko sa kotse.
"Maganda 'ron. Let's also buy souvenirs for your friends", dagdag niya.
"Sure, pag-uwi. Pagdating natin 'don let's just enjoy the nature. I kinda missed going to beaches", saad ko at ngumiti naman siya sa akin.
I tried to stay awake the whole ride for him. Baka kasi kapag nakatulog ako ay kung ano na namang bumagabag sa isip ni Theo. Kaya nagpadaan ako sa drive thru para makabili man lang kami ng kape. Mabilis naman ang biyahe dahil maaga kaming umalis kaya hindi kami naabutan ng traffic.
Umaga ay dumating kami sa resort na sinasabi ni Theo. Mataas kaagad ang araw kaya medyo masakit sa balat. Theo noticed I was covering my skin so he gave me his jacket.
"Namumula ka", puna niya sa akin.
"Uh... mahapdi sa balat 'yung init", I said.
"Come here", saad niya at mas nilapit ako sa kanya. Sa kanya niya ako pinasilong habang naglalakad kami dahil sa tangkad niya nga namang ito, pwedeng pwede ko siyang ipangtakip sa araw.
Nasa beach house ang iba naming mga gamit at ang tanging dala namin dito ngayon ay ang tent at iba pang camping tools na kailangan namin. Hindi pa gaanong matao pero pakiramdam ko ay dadagsa ang mga tao rito mamaya.
"Can you help me put this on my back?", I said and showed him my sunblock. Plano ko na kasing maligo kaagad sa dagat. The clear beachwater excited me so even if I didn't plan to go to the waters as early as this, na-tempt ako at ito na nga.
"Inaakit mo ba ako?", tinaasan ako ng kilay ni Theo at natawa naman ako.
"You're such a feeler! I just need some help!", sagot ko at nagmake-face pa siya bago kinuha ang sunblock sa kamay ko.
Dumapa ako para mas madali niyang malagyan ng sunblock ang likod ko. Para namang biglang nagtayuan ang mga balahibo ko nang lumapat ang kamay ni Theo sa balat ko.
"Are you turned on?", he teased.
"Hindi ah!", I denied but I heard him chuckling.
"Your skin says that you are", puna niya kaya umirap ako.
"Ayusin mo kasi. Just do it like how you apply lotion. May halong malisya ang mga hawak mo sa akin!", I said at gulat na gulat naman siya sa mga pinagsasabi ko.
"Wow! Coming from you, ha? Ikaw nga ang matindi ang pagnanasa sa akin. Baka nga hinuhubaran mo na ako sa isip mo"
"Shut up!", I said and before he could tease me more, I ran to the waters.
Malamig ang tubig pero hindi ko 'yon alintana dahil sa init at taas ng araw. Kitang kita ang mga puting buhangin sa ibaba dahil sa linaw ng tubig ng dagat. Nasa balakang ko pa lang ang lalim nang yumakap sa akin si Theo.
"Ang PDA natin", saad ko.
"Wala naman halos tao rito. It's a private resort owned by the Creus', you dummy", bulong niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata dahil mukhang alam ko na naman ang ginawa niya. Ang sabi ko kasi huwag na siyang kumuha pa ng pribadong beach dahil okay lang naman sa akin kung may mga ilang tao. Iyon pala ay para sa amin na naman ulit ang buong lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Lose to Win (Trazo Real Series #2)
RomanceTo save her brother from their father's wrath, Clara Priscilla Del Rio agreed to an arranged marriage planned by their parents. She thought that the sacrifice she made for her brother will reward them of his brother's dream and success. What she did...