"Oh anak gusto mo bang pumunta sa probinsya bukas? Tutal bakasyon na bukas." Sabi naman ng aking nanay habang nagluluto ng paborito kong pagkain.
"Ayoko po! Ang boring doon! Mas gusto ko po dito! Wala po kasing' wifi doon tapos ang init-init pa! It's so lame! Tapos luma pa ang bahay doon!" Reklamo ko naman habang bumalik ang tingin ko sa iPhone ko.
"Ano ka ba naman!? Kailangan pumunta ka doon! Hinahanap ka na nga ng lola mo kasi ang tagal-tagal ka na niyang hindi nasisilayan, atsaka mag-isa na lang siya doon kaya pumunta ka na ayaw mo nun? Makakapag-bonding kayo ng lola mo?" Sabi naman dito. "At hindi mo dadalhin ang iPhone mo baka mawala pa 'yan kaya etong cellphone ng kuya mo ang dalhin mo may number ako diyan, tawagan mo ako pag kailangan mo ng tulong." Sabi naman nito.
"'Nay? Bakit ho ganun? Aalis na po ba ako?" Tanong ko naman dito.
"Sinasabi ko lang!" Sabi naman nito.
Ng makalipas ang araw na 'yon ay agad ng naghanda ang magnanay para sa pag-alis ni Keri.
"Lika na?" Sabi naman ni nanay.
"Opo."
Agad-agad naman silang umalis ng kanilang bahay at nagtungo papuntang bus station. Ng makasakay na si Keri ay agad naman tumingin ito sa bintana at nanlaki ang kanyang mga mata sa 'kanyang nakita... nakita niyang kumakaway ang kanyang ina habang may isang batang babaeng nakatayo sa tabi nito habang ito ay duguan.
"Ano 'yon?" Pagtataka nitong sinabi sa 'kanyang sarili.
Ng umandar ang bus na sinasakyan niya ay nagulat ito ng may kamay na kumalabit sa 'kanya. Ng pag-lingon niya... ay isang... batang babaeng humihingi ng tulong...
"Tulong... tulungan mo ako..."
Napatakip na lamang siya ng kanyang mukha at nag-isip ng mga positive thoughts... 'yon kasi ang alam niyang pwedeng gawin... aliwin ang sarili tuwing nangyayari ang ganitong sitwasyon... kumanta o isipin ang iyong crush para ma-aliw ka.
"Isang araw... magiging kami ng crush ko! Magiging kami ng crush ko! Tapos magkakaroon kami ng magandang pamilya!"
"Ate pwede po bang tumahimik kayo? Hindi po kasi ako makatulog eh..." Sabi naman ng nakatabi niya sa upuan.
"Sorry po..."
Makalipas ang labing dalawang oras ay nakarating na siya sa lumang bahay ng kanyang lola.
"Apo!" Sabi naman ng kanyang lola sabay yakap sa 'kanya.
"Musta na po lola?" Tanong naman nito.
"Ay... ang lungkot dito... lalo na, na mag-isa ako dito... tapos may mga naririnig pa akong mga ingay tuwing gabi." Sabi naman nito sabay pag-himas sa mukha ni Keri.
"Umm lola... pasok na po tayo?" Sabi naman ni Keri sa 'kanyang lola.
"Lika na apo paghahanda kita ng paborito mong pagkain." Tuwang-tuwa naman nitong sinabi kay Keri.
Pagka-pasok nila ay naunang pumasok ang lola niya kaysa kay Keri.
"Apo tuwing lumalabas-pasok ka dito sa bahay ay isara mo palagi lahat ng pintuan ng bahay nito at siguraduhin mong tatakpan mo ng kurtina ang mga bintana ha?" Sabi naman nito sabay sarado ni Keri ng pintuan.
Kahit punong-puno ng pagtataka si Keri ay tumango na lamang siya at sumunod sa 'kanyang lola papuntang sala.
"'O apo maupo ka muna alam kong napagod ka sa pag-punta dito kukuhanan na lang kita ng tubig atsaka kita lulutuan ng paborito mong pagkain." Sabi naman nito.
"Sige po..." Yun na lamang ang nasabi ni Keri habang iba ang nararamdaman nito. Tumingin-tingin siya sa paligid niya at kinikilabutan ito ng lubos.
"TULUNGAN MO AKO!"
Napasigaw si Keri ng biglang may bumulaga sakanyang harapan na isang batang babae.
"Aaahh!! Lola!!!! Tulong!!!"
Biglang napapunta ang kanyang lola sa 'kanya at pinatahan ito dahil umiiyak na si Keri sa sobrang takot.
"Ano ba ang nangyari?" Tanong naman nito kay Keri.
"M-may... bumulaga po sa aking batang babae duguan po ito..." Sabi naman nito sabay tulo ng kanyang luha sa 'kanyang mga kamay.
Tumayo ang kanyang lola at tinignan ang pintuan ng bahay.
"Lola wag niyo po akong iiwan..."
"Babalik rin ako." Sabi naman nito.
Nakita ng kanyang lola na bahagyang' nakabukas ang pintuan.
"Bahagyang nakabukas ang pintuan..."
Nanlaki ang mga mata ni Keri at lumingon. May nakita siyang batang babaeng nakatingin sa 'kanyang lola.
"Siguro hindi mo ito naisarado ng ma--"
"LOLA!!!" Biglang napasigaw si Keri ng umitsa ang kanyang lola palabas ng lumang bahay...
"Tulungan mo ako kung ayaw mong ikaw ang susunod!!" Sigaw ng batang babae.
"T-tulungan kita... ano ba 'yon!?" Bahagyang' naiiyak na sinabi ni Keri.
"Tulungan mo akong mahanap ang aking paa!"
Nanlaki ang mga mata ni Keri ng makitang naka-lutang ang batang babae na nakita niya.
***
Makalipas ang isang linggo ay nakalimutan na ito ni Keri at masayang nakikisama sa kanyang lola.
"Apo aalis muna ako." Paalam ng kanyang lola.
"Saan po kayo pupunta?" Sabi naman nito.
Ipagpapatuloy ang susunod na mangyayari sa pangalawang bilin...
BINABASA MO ANG
Ang bilin ni Lola
HorrorIsang araw ay may isang babaeng umuwi sakanilang probinsya kung saan nandoon ang lumang bahay ng kanyang lola. Maraming sinabing bilin ang kanyang lola na dapat niyang sundin... Simula ng sumaway siya dito... ay doon nangyari ang sunod-sunod na kak...