FLASHBACK
"Honey ! Asan na si Princess natin?" sabi ng Dad ni Amor sa kanyang asawa.
Kilala bilang isang napakayaman na pamilya ang Santiago. Di lang sa loob ng Pilipinas, kung hindi pati na din sa ibang bansa lalo't higit sa Korea.
"Baby Amor andito na si Dad mo" tawag naman bigla ni Ginang Santiago kay Amor na ngayon ay nasa sala at naglalaro kasama ang kanyang personal maid.
"Yeeeeee. Dad asan pasalubong ko?" *pout* agad salubong ni Amor sa kanyang ama, bata pa siya at inosenteng inosente.
"ooops! before that baby. asan muna yung special kiss at power hug mo kay daddy?" *smile* sobrang close si Amor at ang daddy niya NOON.
*tsup*tsup*
Biglang kiss ni Amor sa pisngi ng daddy niya na may kasamang mahigpit na Hug. Masaya. Yan ang pamilya nila NOON. Anim na taon pa lang si Amor ng mga panahon na yan. Baby'ng baby ng pamilya.
"Here baby *smile* eto na pasalubong sayo ni Daddy" sabay abot ng isang paper bag.
Agad agad itong binuksan ni Amor.
"Wow! D-dad is it true?" speechless si Amor sa kanyang nakita.
"Yes princess. Totoo yan at .. para lang sayo talaga baby" *smile*
"super thanks dad" sabi ni Amor sabay hug at bumulong ng ..
"i love you dad." *wide smile*
Binigyan lang naman ni Ginoong Santiago si Amor ng isang Cellphone. Ooops! not an ordinary cellphone, Kasi dahil sa mayaman sila personalize ito. Pinagawa para lang kay Amor, at hindi makikita sa anumang tindahan ng phones.
——————————————————————
Mabait
Mapagbigay
Maalalahanin
Magalang
Basta lahat na ng Good terms and attitude na nagsisimula sa MA, yun si Amor NOON pati ang kanyang pamilya.
~~
Ako si Amor at Grade one student. Gusto ng daddy ko mag home school na lang ako, pero dahil gusto ko makipagfriends nakiusap ako na sa school na lang nina lolo ako papasok. And Yes! Pinagbigyan nila ko *smile* that's why mahal na mahal ko si Mama at Daddy.
Kaso ang di alam nina daddy, binubully ako sa school *pout* ayaw ko naman magsumbong kase alam ko pipilitin nila ako mag home school na lang.
Kaya hinahayaan ko na lang. Katulad ngayon..
"Yaaaaa. Andiyan na si Amoooor'tot!!" sigaw ng isang kaklase ko habang tumatakbo papasok ng room.
Ako? Wala di ko na lang sila pinapansin. Ayaw ko ng away.
Nung nasa pinto na ko ng room
"1...2....3...Gooooo" sigaw ng kaklase ko sabay binato nila ako ng mga papel at basura.
"t-ta-ma n-na" yan lang tanging nabulong ko sa hangin. Hindi ako umiyak sa harap nila, bagkus dumiretso ako ng banyo sabay lock ng pinto at dun binuhos ang lahat ng luha na kanina pa gusto kumawala sa mga mata ko.
Hindi muna agad ako lumabas, Nagpalipas muna ako ng sama ng loob sa loob ng isang cubicle dito sa CR.
*ring*ring*
Nagulat ako ng marinig ko ang cellphone ko. Kaya agad ko itong tiningnan. Tumatawag pala bestfriend ko. Yes! natural na dito sa eskwelahan namin ang may cellphone. At siyempre yung akin ay yung pasalubong ni Dad.