Si Princess Longganisa

9 0 0
                                    

Si prinsesa Longganisa ay ang pinakamagandang babae sa kahariang Virginia. Maraming prinsipe ang nagkagusto sa kanya subalit walang nagtagumpay na makuha ang kaniyang kamay. Lingid sa kaalaman ng lahat ay merong malaking sekretong tinatago si prinsesa Longganisa.

Isang araw habang namamasyal si prinsesa Longganisa ay may nakita siyang magandang singsing malapit sa ilog. Agad niya itong kinuha upang matingnan ng maayos dahil kumikinang ito. Totoo nga na maganda ang singsing dahil sa gitna nito ay may isang malaking dyamante at pinapalibutan ito ng ibat ibang klaseng mamahaling bato katulad ng ruby, sapphire, at emerald. Agad niya itong sinuot at swerte dahil kasyang kasya.

Noong pauwi na si Longganisa ay nagtaka siya dahil sa kay dami daming lalaking nasa paligid ay walang pumansin sakanya pero patuloy parin siyang nag lakad pauwi. Pagdating niya sa kaniyang tahanan ay laking gulat niya at di siya pinapasok ng mga gwardiyang nakabantay! nagalet si prinsesa at sinigawan sila. "BAT AYAW NIYO AKONG PAPASUKIN DI NYO BA AKO KILALA?". Sabi naman ng isang gwardiya "Sino kaba sa tingin mo? ang makakapasok lang dito ay ang Pamilyang Longganisa at ang mga may pahintulot sa Hari!". "Ikaw, may pahintulot kabang pumasok dito ha!" sumumbat agad ang isang gwardiya,
"Abay wala ako sa mood para magbiruan. Hindi nyo ba ako kilala? ako to si prinses Longganisa!" sagot naman ni prinsesa. Nagsitawanan ang dalawang gwardiya at tinanong kung nahihibang naba siya. Lalong nagalit si prinsesa ngunit ayaw talaga siyang papasukin.

Naaghintay siya ng ilang minuto pero hindi parin siya pinanayagan. "hindi niyo ba ako talaga kilala? Ako to si Prinsesa Longganisa!", sigaw niya. "Hahay ano bang ginagamit mo at nasasabi mong ikaw ang mahal na prinsesa?." "Oo nga sobrang layo ng mukha ninyo sa isa't- isa" dagdag ng isang gwardiya. Nagulat siya noong sinabi sakanya iyan at naalala niya ang nangyari kanina habang papauwi siya. Agad siyang umalis upang maghanap ng salamin pero wala siyang mapaghiraman kaya pumunta nalang siya malapit sa ilog. Pagdating niya doon ay agad niyang tiningnan ang sarili at laking gulat niya ay naging......... HOTDOG NA PALA SIYA!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH BABAY SALAMAT SA INYONG ORAS

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Hotdog Ni Princess LongganisaWhere stories live. Discover now