Unforgettable High School memory (sort of)

49 2 0
                                    

May crush ako nung highschool. Actually, mula elementary ata crush ko na siya. Hindi siya gwapo, oo bitter ako HAHAHA. But seriously, average looks, average height, pero funny siya. Napapatawa niya ako. Naaalala ko noong elementary, magkaaway kami. Ang tawag ko sa kanya ay “allergy” at ako naman daw si “allerin” (yung gamot? diba? yung pantanggal allergy? gets?). Naghahabulan kami tuwing schedule na naming maglinis ng classroom, unfortunately kasi magkalapit lang yung apelyido naming so magkagrupo kami sa paglilinis ng room. Tinatawag niya akong baboy minsan </3 at GC. Ouch! Habang naaalala ko, nasasaktan nanaman ang puso ko. HAHAHAHA joke lang. Ba’t ko nga ba siya naging crush? Elementary pa lang kami tinutukso na kami ng mga kaklase naming at ginawa kaming magloveteam.  Siya naman ay sinasakyan lang ang kanilang panunukso, minsan nga noong grade 6 binigyan niya ako ng rose mula sa garden nila at hinaranahan naman niya ako sa classroom. Oo kinilig ako noon pero ngayon habang inaalala ko siya, hiyang-hiya ako sa sarili ko na gusto kong magtago at hindi na magpakita sa buong mundo. Magkaiba kami ng section nung  1st year  tsaka 2nd year ng high school, pag 3rd year lang kami nagsimulang maging magkaklase ulit. Hindi pa rin siya nagbabago, sinasakyan niya pa rin ang mga panunukso sa amin ng mga kaklase namin. (A/N ah teka, pangalan pala. Itago na lang natin siya sa pangalang gago---- I mean Jake. sige Jake nalang) Nagbigay ulit si Jake ng rose tsaka naging magkaibigan narin kami, hindi kagaya nung elementary na buysit na buysit ako sa kanya. May nagiba na rin sa relationship namin. Inamin ko na sa sarili ko ng mga panahong ito na may crush ako sa kanya, siya naman ay may crush din--- sa iba.

Dahil nga magkaibigan na kami, magkatext na rin kami araw-araw, magkachat  sa facebook gabi-gabi at naguusap sa eskwelahan, kaya naman inisip ko baka may ‘something’ na kami. Pero, gaya nga ng sabi ko, may iba siyang crush at liniligawan niya na rin ata. Dumating yung time na pinaguusapan na naming yung feelings niya, at ang masaklap, ako pa yung ‘love adviser’ niya. Edi Wow! Isang araw, linapitan ako ng matalik niyang kaibigan na kalaunan ay naging matalik ko ring kaibigan (tawagin natin siyang Paul). Sinabihan ako ni Paul na may crush daw sa akin si Jake, hindi niya lang daw masabi dahil takot siyang masira friendship namin. Nashock ako. Sa simula ay hindi ko siya pinaniwalaan pero nakita ko (more like nabulag ako) sa signs: Nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin; napapansin kong gusto niya akong kausapin; at niyaya niya rin ako na samahan siyang bumili ng pagkain sa araw na iyon. Mamatay matay na ako sa kaba dahil first time nangyari sa akin ‘yon. Hindi ako sumama sa kanya dahil hindi pa ako ready na magconfess siya. Ang daming scenarios na tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling iyon.

Nang papatapos na ang araw, nagpunta ako sa library para magsauli ng hiniram kong libro. Nakita ko dun si Paul kasama ang girlfriend niya at si Jake kasama ang iba niyang mga kaibigan. Nataranta ako at hindi alam ng mga kaibigan ko ang aking nararamdaman dahil hindi ko sila sinabihan. Papaalis na ako ng lib nang tinawag ako ni Paul at pinapunta sa table nila ng syota niya. Kinakabahan ako dahil magkalapit lang ang table nila Jake at Paul, iniiwasan ko pa naman siya ng araw na ‘yon.

Hinawakan ni Paul ang mga kamay ko at sabi niya, “Sorry. Nagjjoke lang ako kanina. Sorry talaga.” Guys, natameme ako. Nabasag yung puso ko ng slight. Nahihiya man akong aminin ngunit naiiyak na ako ng moment na yon. Mas nakapalala pa nang linapitan ako ni Jake at minura si Paul. Jake said, “Sorry gago talaga si Paul. Kaya nga kita niyaya kanina para maexplain ko sa’yo ng maayos at makapagrevenge tayo kay Paul. HAHAHAHA”. Tumawa na lang din ako pero alam kong fake and forced yung tawa ko. Nagpaalam ako sa kanila at paglabas ko ng lib, tumulo ang luha ko. Nakita yun ng mga kaibigan ko pero sinabihan kong ayaw ko munang pag-usapan namin yon. Isang luha lang ang tumulo, okay? Feeling ko talaga napakastupid ko ng panahong iyon at kung pwede lang sanang magtime travel ay babaguhin ko yung reaction ko. Uupo ako sa table nila Paul at makikipag-usap ako as if hindi ako hurt. Papansinin ko din si Jake sa mga susunod na araw at hindi ko kakaibiganin si Paul. Ang nangyari kasi, pagkatapos ng araw na ‘yon mas naging close kami ni Paul. Nagbreak sila ng syota niya at naging magbest friends kami. At nainlove nanaman ako sa kaibigan ko. Walang nagbago at hindi ako natuto sa pagkakamali ko dati. Pero so what? Okay lang namang mafriend-zone basta di alam ng friend mo na nafriend-zone ka niya. Bestfriend-zone pala.

Pero bumalik tayo sa araw ng unforgettable highschool memory ko. Naglalakad na kami ng mga kaibigan ko papunta sa sakayan ng jeep. Tahimik lang kami kasi awkward. Ng biglang *prrrt*. Nagkatitigan kami ng mga kaibigan ko ng mga 10 seconds pagkatapos ay nagtawanan. Nakakatawa dahil umutot yung asong nadaanan namin, at ang baho swear. Yun ang pinaka unang beses na nakarinig ako ng asong umutot at yun ang most unforgettable high school memory ko. Hindi ang “isang luha lang ang tumulo” moment, hindi rin ang nakakabroken na joke ni Paul, kundi ang asong umutot. 

Unforgettable High school memory (sort of)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon