"Tita please, let me to see Hans."
Pagmamakaawa ko. Nagpa-book na si Tita ng flight papuntang states at ngayon niya lang sinabi sa amin kung kailan mamaya na ang prom namin.
10 PM ang flight namin. 7 PM ang start ng prom, hindi ko alam kung masusulit ko ba 'yong 2 oras na 'yon to be with Hans. nakaluhod ako sa tita ko at nagmamakaawang i-postponed ang flight namin at kinabukasan na lang kami umalis. Pero matigas ang puso niya at patuloy pa rin pinagpipilitan ang flight namin mamaya.
Hinahawakan ako ng ate ko para tumayo, pero umiiyak pa rin ako.
"Love? Ano bang nasa isip mo at 'yang lalaki na 'yan ang iniisip mo? Future mo muna ang isipin mo, huwag kang tumulad sa nanay niyo na inuna ang pag-ibig bago pag-aaral."
Patuloy pa rin ako nakaluhod.
"Tita please, namamahinga na si Mama. Pwede bang tigilan mo na ang paulit-ulit mong pagbabalik sa nakaraan ni Mama." Galit na sabi ni Ate Elena na patuloy akong pinapatayo.
"Ibabalik ko talaga ang nakaraan ng nanay niyo, dahil sa kapatid niyong inisip ang Hans na 'yan. Pwede ba Love, Hans is not a man for you. Anong ipapakain sa'yo ng lalaki na 'yon ha? 'yong kubo nila sa lugar na pinuntahan niyo? c'mon Love. Wake up!"
I looked up to her with a tear on my eyes "Hans is my friend. I don't want na ma-feel niya na bigla akong mawawala na walang pagpapaalam. Did you not experience that tita!" Tumayo ako sa harap niya. "Kaya ganiyan katigas ang puso mo." pointing on her chest.
"Ayoko na makipagtalo sa'yo love. Masyado kang nagpapakain sa mga ganiyang tao. Marami pa riyang kaibigan, huwag kang matakot mawalan."
"Marami naman talaga akong makikitang kaibigan, pero hindi lahat kaya akong alagaan ng ganito. Mahalin ng ganito-" Hindi na ako nakapagsalita at patuloy ako sa pag-iyak.
"Hindi na ako aatras Love. Final na, you're going to choose, Your mom's dream, o 'yang pagkahaling mo sa kaibigan kuno mo." Biglang umalis si tita at bigla akong napaluhod dahil nanginginig na ang mga tuhod ko.
I never get a chance to talk with Hans, hindi na rin kasi kami nakapag-usap nang gabi na umuwi siya mula sa amin.
Nang kumalma na rin kami. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakita kong pumasok si Ate Elena
"Love."
umupo ako sa kama ko at niyakap ako ni ate nang magkatabi na kami.
"I know it is hard for you. I just want to give you a hug." niyakap ko lang ate ko at bumuhos na naman muli ang pag-iyak ko.
"Ate" Bigla akong tumingin sa mata ni Ate Elena
"If ever na umalis ako. Please update me, about Hans. Kung sakali man na magkita kayo.""Do you really love him?" My ate asked.
Ilang minuto ako nahinto bago sagutin ang tanong ni ate. "I don't know ate, but I think yes ate. I do love him."
Pinunasan ni ate ang luha ko. "Tell Hans everything you want to say. Confess. Mahirap magkimkim, umalis ng hindi nalalaman ni Hans ang nararamdaman mo. When love hits you, sometimes it's better to say than not. Mahirap malunod sa mga tanong."
"Ate, what if hindi niya ako gusto?" I asked.
"Atleast nalaman mo. Hindi 'yong panay tanong ka nang tanong. Let's face the truth love, than living in what ifs and whys." Ngiti nito sa akin.
"Mahal ka namin love, ayokong nahihirapan ka. Kung hindi na mapipigilan ang pag-alis mo, maibsan man lang ang tanong sa isip mo."Niyakap ko ang ate ko. "Thank you ate. Thank you. I will miss you all."
"Mamimiss ka rin namin. Pero lagi akong tatawag sa'yo, nako!" tawa nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End (Complete)
FanfictionKristina Love Aquino. A successful woman, well-known as the Queen of All Media of the Philippines and a great mother to her two sons. However, when her love life fails many times, she decides to not entertain anybody and concentrate on her work, unt...