DR 2

4.1K 154 0
                                    

"Wow, para kay Colyn ba yan?" Bungad sa akin ni Kylie pagpasok ko ng room.

At dahil sa sinabi nya ay kumunot ang noo ko tuloy at inilingan ko sya. Don't tell me, pati mga ganitong bagay, nagbibigay din si Averil kay Colyn? Wow naman pala. Matapos kong gawin kay Kylie yun ay sumulyap ako kay Colyn na ngayon ay ang sama nanaman kung makatingin sa akin. Ayan nanaman ang mga mata nya. Tsk.

May dala kasi akong paperbag na may chocolate cake sa loob. Dinala ko lang para kakainin ko mamaya. Kanina kasi, natikman ko 'to habang nag-aalmusal kami ni Papa. Nasarapan ako, ayun nagbaon tuloy ako.

"What? Hindi para sa kanya 'to?"

"Para sa akin 'to," sagot ko. "Why? Do I need to give this kind of stuff to her? Obligado ba?" I added.

She just gave me a confused look. "Ally, do you have amnesia ba? Because you're acting like one since yesterday pa eh,"

Naiwan akong nakatulala kay Kylie. Should I lie to her? Na meron ngang ganon si Averil which is ako muna sa ngayon? Pwede naman siguro yun para hindi na sya magtaka sa mga ginagawa ko ngayon. Sa huli, tumango nalang ako.

Bahala na. I said to myself.

Ikinagulat nya yun to the point na napa 'OMG' pa sya ng malakas! Naging dahilan tuloy yun para mapatingin ang karamihan naming kaklase sa kanya, even Colyn too.

"So, are you saying that, some of your memories is wiped out in your brain?" Tanong nya ng makarecover sya sa pagkagulat.

Lord, sorry po.. "Yes," pagsisinungaling kong muli. "I don't even remember our friends even you," dagdag ko pa. Takte naman.

She gasped. "So that's why you're not on your usual self! Pero paano mo nalaman ang pangalan ko kung pati ako, hindi mo pala maalala?" This time nakakunot na ang noo nya.

"Your ID," sagot ko.

Mabuti nga at hindi ako nauutal ngayong puro kasinungalingan ang pinagsasabi ko.

Our conversation cut off when one of our block mates announce that our morning class is cancelled for some reasons.

Ngayon tuloy ay hila-hila nanaman ako ni Kylie kasama na din si Colyn papunta sa isang garden ng school. Ang gaganda ng mga bulaklak na nandito, talagang alagang-alaga.

Pinaupo ako ni Kylie sa bench, sa tabi nya mismo habang si Colyn naman ay tahimik lang din na tumabi kay Kylie. Bakas dito ang pagkairita sa paghila sa kanya ni Kylie. Grabe, palagi bang may red days 'to? Pinaglihi yata 'to sa sama ng loob e.

"Why are you chuckling?" Kylie asked me. What? Tumatawa ba talaga ako? I cleared my throat and then turn my gaze at the flowers besides me.

Narinig ko ang mahinang pagpalatak ni Colyn pero hindi ko nalang yun pinansin.

"Katulad nga ng sinabi mo kanina Ally, hindi mo kami maalala, tama ba?" Paninigurado ni Kylie sa akin.

"What?" Sabat ni Colyn na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa ni Kylie. "What the hell was that Kylie?"

Hindi sya pinansin ni Kylie. "Meaning to say, our names is the only one you know about us? After non, wala na?" Bahagya akong tumango. Hindi ako makapagsalita dahil sa mga tingin na pinupukol ngayon ni Colyn sa akin. Para kasi syang nasasaktan.. or assuming lang yata ako? Bakit naman sya masasaktan, diba?

"Let's start the introduction then," Kylie stood up and faced me. "I'm Kylie Hermes, your best friend since elementary. I wil tell you some stories that you want to know pero hindi muna sa ngayon. Baka ma'triggered ang ulo mo at biglang sumakit yan,"

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon