HILA-HILA ang bagahe ko, pumasok na ako sa hotel room. Kasalo ko sa kwartong 'to ang isang workmate ko.
Pagod akong humiga sa kama. Ilang oras lang naman ang flight mula Manila hanggang sa Boracay pero nakakapagod pa rin. Hindi talaga ako sanay na sumakay sa airplane.
"Mauuna na akong gumamit ng banyo, bro," sabi sa akin ng kasama ko sa kwarto. Tinanguan ko lang siya dahil pagod talaga ako.
It's already 10 o'clock in the morning. Dapat ay bago mag 12 o'clock ay makapunta na kami sa may garden ng hotel dahil doon kami kakain ng lunch.
Tumayo na ako at naghanap ng isusuot.
We are having our Thanksgiving Party here in Boracay. Sagot ng company ang hotel rooms at food namin pero kami ang sumagot sa ticket. Dahil nga sagot ng company ang hotel rooms, dalawang tao ang magsasama sa isang room kaya may kasama akong lalaking workmate.
After my workmate used the shower room, ako naman ang gumamit. I took a bath kahit na nakaligo na naman ako kanina bago kami umalis ng Manila.
I chose to wear white above-the-knee shorts and a floral button-down polo to match the beach vibes. I applied sunscreen para hindi ako matusta ng araw.
Pagkababa ko, naabutan ko si Janine na nakikipag-usap kay Rowan at Mitchie. She is wearing a yellow floral above-the-knee dress and a large strawhat. Ang buhok niya nakalugay.
Halos matulala ako nang makita ko siya. She looks like a goddess, a beach goddess. Matatalo niya ang reigning Miss Universe sa ganda niya.
Everything about her is perfect from the way her mouth opens as she utters a word, the way her eyes twinkle, the way her face shows different expressions, and the way her hair dances in the rhythm of the wind. Wala akong mapupuna sa kan'ya. She's so beautiful just the way she is.
I walked towards Janine and wrapped my hands around her waist, pulling her closer to me. I gently kissed her forehead.
"Hi, baby," I whispered on her ear. "You are so beautiful as always. Three months na mula nang maging tayo pero kahit maliit na pagbabago sa mukha mo ay wala. Maybe it's because I'm not causing you any stress."
She smiled. "Hindi ka naman sakit sa ulo kaya hindi ako kaagad tatanda. Sobrang good boy mo kaya so ayaw mong nai-stress ako nang dahil sa 'yo," she replied.
I kissed the flap of her ear. I can see her cheeks turning red. Nilubayan ko na siya dahil baka maging kasing pula pa siya ng isang kamatis.
Mitchie pretended to puke, and Rowan coughed couple of times para iparating sa amin na hindi nila nagugustuhan ang nakikita nila.
"Dapat talaga ay maghanap ng kayo ng boyfriend niyo para hindi na kayo nabi-bitter," saad ko.
Rowan rolled her eyes. "Hindi ako nabi-bitter. Talaga lang wala kayong hiya at sa harapan pa talaga namin ni Mitchie kayo naglandian. Okay lang naman na maglandian kayo basta ba ay hindi sa harapan namin!" tugon ni Rowan.
Natawa na lang ako. Asar na asar talaga siya kapag naglalandian kami ni Janine sa harap niya. Para namang hindi pa siya nakakakita ng mag-jowa na naglalandian, ah. Takot na takot yata 'tong si Rowan sa PDA.
"Hindi ako nabi-bitter dahil may boyfriend naman ako," sabi ni Mitchie.
Pinakilala niya sa amin ang boyfriend niya last week lang. Buti na lang talaga at nagka-boyfriend pa 'tong best friend ko na 'to. Halos dalawang taon ang tanda sa 'kin pero naunahan ko pang magkaroon ng karelasyon.
"Sabihin mo sa boyfriend mo na 'wag na siyang magselos sa 'kin," sabi ko at tumawa. "Hindi naman kita aagawin sa kan'ya! Best man nga ako sa kasal niyo in the future, eh!"
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...