"What now?"
tiningnan ko ng masama si Kenzo.
"Kumalma ka nga,kung nasuntok mo siya ano nalang ang magiging reaksyon nong dalawa?"
"Who cares?"
"Ikaw kaya ang suntukin ko?"
"Psssshhh"
Hindi nalang ako umimik pa.Wala din naman akong laban dito.
"Wala ka bang balak na sundan siya?"
Syempre gusto.Sino ba naman ang may ayaw?Gustong gusto ko nga siyang sundan eh.
"Syempre gusto pero"
napaiwas ako ng tingin sa kanya.Umiiral na naman ang pagka torpe ko.
"P-pwede bang ikaw nalang ang sumunod sa kanya?"
"Oh bakit naman ako?"
"Please"
"Diba ikaw naman ang laging andyan para sa kanya?Oh bakit ngayon hindi mo magawa?"
Napaiwas na naman ako ng tingin sa kanya.Kasi nga isa akong dakilang torpe !
"Sige na"
Nagisip siya saglit,at buti nalang napapayag ko.
"Pero may kondisyon,tulungan mo din ako sa kanya"
"Sige"
Hindi na ako nagdalawang isip pa sa kondisyon niya.Baka ano pang mangyari kay Krystel lalo na at umuulan pa.
Yung tinutukoy ni Kenzo ay about doon sa first love niya.Sa aming tatlo,ako lang ang nakakaalam doon at sa babae.Kahit magiging komplikado ang lahat pag naging sila,wala na siyang pakialam.Basta kong ano ang gusto niya ay yon.Buti pa si Kenzo handang sumugal.
Sa ngayon hindi pa ata sila okay dahil sa nangyari noon.
Gumagawa na nga siya ng move pero hindi naman napapansin nong babae.
Naghintay lang ako ng ilang minuto at tumawag na sa akin si Kenzo.Pumunta ako sa sinasabi niyang lugar para sunduin si Krystel.
"oh anong nangyari ?"
Bungad ko kay Kenzo na buhat buhat si Krystel.Agad ko naman siyang kinuha.
"Nakatulog na siya sa kakaiyak.Nagsakripisiyo pa akong magpaulan para sayo.Kung ako sayo,aalamin ko kong ano yung mga dinadamdam niya"
Alam ko naman eh ! kahit hindi niya sabihin,alam ko na nasasaktan na siya ni Zowin dahil ramdam ko.
"Salamat"
"Wag na,may kapalit naman yan"
Napailing nalang ako.Umalis na siya at nagpasundo naman ako sa Driver namin.Dinala ko siya sa Condo.Kong sa bahay kasi nila andoon si Danica.At alam kong masama ang loob niya kay Danica.Nagdahilan nalang ako na nagkasakit si Krystel at naging totoo naman.Sinubukan pa nga niyang pumunta sa condo pero pinigilan ko.
Buti nalang pala at saktong andoon din si Aling Melda kaya siya na ang nangbihis kay Krystel.
Binantayan at inalagaan ko siya magdamag.Lagi nga siyang umiiyak.
Tuwing pinapanood ko siyang umiiyak,nasasaktan din ako.Wala man lang akong magawa para hindi na siya umiyak.Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay ang punasan nalang ang mga nagsisibagsakang mga luha niya.
Kung mahal ko talaga siya bakit hindi ko man lang siya mailayo sa maaaring makasakit sa kanya tulad ngayon?Ang tanga ko kasi kahit alam kong masasaktan lang siya kay Zowin,hindi man lang ako kumilos para ilayo siya kay Zowin.

BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...