Muling Masilayan ang Ganda nitong Mundo
Bawat turok ng karayom ng mga guwardiyang nakamaskra
Ay tila ba nagbibigay ng panibagong pag asa,
Kapalit ng latigong mas malupit sa paghagupit
Sa pagkaratay ng matagal ay lalong mas nakakangawit.Puros makinarya ang naaabot ng tingin
Mga aparato sa kamay ko'y laging nakadiin,
Kasama ang higaang nakakakilabot pa man din,
Sapagkat kinuha na Niya ang mga nauna dito sa'kin.Nagpapatuloy ang pag usal na ako ay palakasin
Upang magapi ko ang kalabang naglalaro ng palihim,
Sapagkat ako'y nananabik na muli kong matanaw
Ang pagsikat at paglubog nitong Haring Araw.Sabik na muling mahagkan ang simoy ng kalayaan,
Sabik na matanaw muli ang mga bundok at kapatagan,
Ang tubig sa karagatan ay sabik na mahawakan
At ang mundong nilisan ko'y muli kong masisilayan.Balang araw ay makakaalpas din ako sa'king tanikala
At makakamtan muli ang tamis ng paglaya,
Balang araw ay babalik rin ang dating buhay ko
At muli kong makikita ang ganda nitong mundo.
BINABASA MO ANG
Una Mezcla de Letras
Poetrymga akdang bunga ng mahabang pagkakaburyong ko ngayong panahon ng kuwarantina.