Bullet of Love

5 1 9
                                    

This story is based on a true story regarding of the issue happened in Tarlac.

Any names/ characters,  places, and scenes are all fictional. Any similarity are all mere coincidence.
~~~~~


~Revival of Ambo's literary

It was hopeless.
It was unforgettable.
It was all unforgivable.

In this society there is always someone who's at the bottom and one at the top.
There is always someone who owns more superiority than anyone.

Who am I?

I'm just a peasant living in this old little church together with my buddies.

We live faraway from the city where everything is rotten, weak, old, poor and nothing.

We are a family.
We are a bond
We're not related, still we choose to be one.
.

"Ambo!!!" nagitla ako sa pagkakaupo ko at nagulo sa pagsusulat ng tawagin ako bigla ni Sister Mariella.

"Po?!!" sagot ko pabalik at inis na nilamukot ang papel na sinusulatan ko at tinapon sa basurahan.

"Pumarito ka!" sigaw nito pabalik kaya naman agad akong tumayo at pumunta sa kinaroroonan niya.

"Ano po b—" natigil ako sa paglalakad at nanlalaki ang matang nakatitig sa isang lalaking nakaratay sa papag habang duguan at mukang nag aagaw buhay na.

"Pumunta kang bayan at bumili ka ng mga gamot. " hingal na saad ni Sister Mariella.

"Bakit di na lng siya dalhin sa ospital?" takang tanong ko.

"Pumunta kang bayan at bumili ka ng gamot. " madiin na banggit nito kaya naman wala na kong nagawa kundi ang sumunod at nagmamadaling pumuntang bayan.

'Yung totoo anong nangyayare? '

"Totoy,  pwede ba magtanong?" tanong ng isang matipunong pulis sa akin sabay buga ng usok mula sa hinithit niyang sigarilyo.

"Ano po yun?" tanong ko pabalik.

"Nakita mo ba ang lalaking to? may tama siya ng baril sa gawing tagiliran nito at sa binti." tanong ng pulis habang pinapakita sa akin ang litrato ng isang lalake.

'familiar siya, Teka hindi kaya'

Napa angat ako ng tingin sa kausap ko at saka madiin na umiling.

"Hindi po,  sa tingin di pa siya nagagawi dito, di ko kilala ang itsura niya,  kilala ko na ang mga taga rito kaya makikilala ko siya ka agad kung makasalubing ko man siya. " paliwanag ko pa.

"Sige kung ganoon pakibalitaan na lng kami kung makita mo man ang taong ito, heto ang numero ng telepono namin. " sagot nito sabay abot sakin ng isang maliit na papel.

Hindi ko alam ang nangyayare pero si Sister Mariella na mismo ang nag utos sa akin. Kung sino man ang lalaking yun, sigurado akong may alam si Sister patungkol sa kaniya.

Third Person

Dali daling pinagpatuloy ni Ambo ang pagpuntang bayan para makabili agad ng gamot.

'Kailangan ko agad makabalik.' wika ni Ambo sa kaniyang sarili.

Di naman niya binigo ang sarili at agad ding nakabalik habang iniinda ang pagod mula sa pagtakbo.

Bullet of Love (A One Shot Story) Where stories live. Discover now