-Krystal-
Nagulat ako nang makita si Dean sa tabi ko. Nakayakap na siya sa 'kin at nakabaon ang mukha niya sa batok ko. Nasa tabi ko ang mga bata nung natulog ako ah?
Napaupo ako bigla nang makita silang nakaupo sa sahig, naglalaro na sila doon. Paano sila napunta doon? Tatayo na sana ako para puntahan sila pero hinila ni Dean ang kamay ko pahiga ulit.
"Let them play" he whispered in his sleepy voice. "Happy birthday wifey" bulong niya at mas lalong hinigpitan ang pagkayakap sa 'kin. Pinagmasdan ko nalang maglaro ang mga bata habang nakayakap sa 'kin si Dean.
Nang makatulog ulit si Dean, dahan dahan kong inalis ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa 'kin at tumayo na. Habang nagsusuklay ako, gulat akong napatingin sa sahig nang may humawak sa paa ko. My eyes widened when I saw Deanna crawling on the floor. She's already crawling!
Kinarga ko kaagad siya at nagmadaling pumunta papunta kay Dean.
"Hubby, our daughter knows how to crawl already!" masayang sabi ko. Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya at hinaplos ang pisngi ni Deanna kaya humagikgik ito.
Nagdesisyon kami na sa cafe nalang magbreakfast para maaga kaming makalabas at gusto rin kasi naming matikman ang breakfast sa labas.
Habang hinihintay ko si Dean na matapos maligo, binibihisan ko na ang kambal. Pagkatapos ko silang bihisan ay iniupo ko muna sila sa sahig para ipagtimpla ng gatas.
Napakahirap palang maging ina pero sulit naman. Makita ko palang ang mga anak kong tumatawa, nasisiyahan na 'ko.
Linakad lang namin ang cafe dahil malapit lang naman sa hotel na tinutuluyan namin. May nga upuan sa labas at mayroon din sa loob. Mas pinili nalang naming umupo sa mga upuan na nasa labas dahil maaga pa at nagbibigay ng vitamins ang tirik na tirik na araw. Pansin ko kasing parang maputla kami dahil kapag hindi kami nasisinagan ng araw.
"Oh hi guys! " masiglang bati ni Sandra sa 'min at umupo sa table ng kinuha namin dahil pang apat na tao ang table. Umupo rin si Ace sa tabi niya.
"Happy birthday" bati ni Ace. Bati ba 'yon? Bakit ang seryoso?
"Thanks, I heard mamaya na mags-start yung fashion week" sabi ko kay Sandra.
"Yes, you guys should come. Please, for me" she said in a cute voice and even folded her hands to plead. Wala naman kaming matinong schedule kaya pumayag kami.
Naging madali ang pag-kain namin dahil nandito sina Ace at Sandra para hawakan ang mga bata habang kumakain kami. Pagkatapos naming kumain, kaagad na silang tumayo para magpaalam dahil kailangan pang maghanda ni Sandra.
"Ingat" kumaway ako sakanila at pinagmasdan ang paglalakad nila palayo sa amin. Humarap pa si Sandra at binigyan kami ng flying kiss bago tuluyang umalis.
Ang unang binalak naming puntahan ay ang Louvre Museum. Buti nalang at maaga pa, kaunti pa lang ang mga nakapila.
Nagpila kami sa pinakadulo. Hindi ko masasabing marami na ang tao dahil mas dadami pa 'yan mamaya. Unang nakapila sa 'kin si Dean, hawak hawak si Dino habang ako naman ay nasa likuran niya, hawak hawak si Deanna.
"Hubby, lapit ka muna" pang-aagaw ko ng pansin ni Dean. Nagtaka siya kung bakit ko siya pinapalapit pero lumapit pa rin naman.
I tiptoed and gave him a smack kiss on his lips. I smiled at him when I separated. Naglakad pa 'ko palapit sakanya kahit na malapit lang kami sa isa't isa. I just want to be clingy. Kaunting panahon nalang babalik na naman sa dati. Magiging busy na naman siya kaya sasamantalahin ko na.