Chapter 4

3 5 3
                                    

that girl that I shot”

Lokerio's POV.

Hindi ko pa rin talaga maalis ang pagkakaba ko. Ewan ko ba at naaawa ako sa batang babae na itinalo namin ni Jaco.

At isa pa magiging laruan siya ni Boss Leonardo. Baka kung ano ang mangyari sa kanya,bata pa man din siya.

Bukod naman doon ay nagtataka ako,pa-paano siya nakaligtas? Ang alam ko ay nabaril ko 'to kahapon ng gabi dahil napagkamalan ko siyang Zombie dahil nagtangka siyang sugurin kami.paano? At sino ang nagligtas sa kanya Kung gayong wala naman ata siyang kasama.

Lokerio Ikandado mo ang kwarto na ito kapag aalis kana”wika ni Jaco at inabot sa akin ang Kandado at susi.

Tumingin ako sa bata at Umiling.

Lumapit ako at umupo.“Ba-bakit ka nila nakuha? At may kasam ka ba?”tanong ko dahil sa kyuryosidad, hindi siya sumagot at tinarayan lamang ako.

Umalis na ako dahil wala naman ata siyang balak sumagot ng biglang may narinig kaming kalabog.

Agad akong lumabas at nakita si Elvhi at Jaco.

Nagtago ako upang makinig.“Ba-babae ka?!”gulat na gulat na tanong ni Jaco.
Nasa tapat sila ng pinto ng banyo.

Babae si Elvhi? Eh paano?!

“Kailangan itong malaman ni Marco upang isumbong niya ito kay boss”wika ni jaco at Umalis at patungo siya sa Direksyong pinagtataguan ko kaya't hinampas ko ito ng takip ng basurahan.napasalampak siya sa sahig.

“Tara,Tulungan mo akong itago si Jaco”Sambit ko kay Elvhi at binuhat namin ito.

Nag-iisip pa lang ako kung saan namin ito itatago ng biglang may mga nakakita sa amin.

Ibaba niyo si Jaco!”Rinig kong sambit ng ka miyembro namin kasabay ng pagkasa nila ng baril.

Itinaas namin ang dalawa naming kamay at nahulog si jaco.

“Posasan niyo ang mga 'yan at ikulong”Wika nito.

“Oh? Bakit kayo nandito Elvhi? May ginawa ba kayo?!”nagtatakang tanong Ng batang Babae.

“Nabisto na nila ako emily at si Lokerio ay iniligtas ako kaya siya nadamay”tugon niya at sinandal ni Emily ang Ulo niya sa Balikat ni
Elvhi.

— - —


Doctor Wise' POV.

“Doc!Doc!”rinig kong tawag ni Luke upang magising ako.imunulat ko ang aking mata at bakas sa muka nila ang pagkakaba.

“Si Emily nawawala! Kinuha ata siya ng mga Mentago Brotherhood.may nakita akong piraso ng papel na may nakaguhit na bungo”Agad namang nawala ang aking pagkalutang ng marinig iyon.

Bigla namang maraming tanong ang pumasok sa isip ko.

Babakit? Buhay pa ako? Hindi pa ako nagiging Zombie?

Pilit kong inalis muna sa isipan ko ang mga tanong na iyon at mag-focus naman kay Emily.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko at nang sabihin ni Luke na susugurin namin sila ng palihim.

February Twenty OneWhere stories live. Discover now