Dead na Dead ako sayo

19 1 0
                                    

The Working Dead (Chapter I-1)

"Sandali lang!" naiirita kong sigaw. Siguro ang biyenan ko 'to, sa loob-loob ko. Wala namang ibang mahilig kumatok ng malakas kundi ang mahadera kong biyenan. Patuloy pa rin siya sa pagkatok nang malakas, at sa wari ko ay mabubutas na ang pinto. 

"Sandali, andiyan na!" peste, kung sino man 'to, makakatikim talaga sa'kin. Muli kong sinulyapan ang orasan. Alas sais pasado na pero wala pa si Linda, ang asawa ko. Ngayon lang yata nangyari 'to. Masipag ang asawa ko, pero hindi ito mahilig mag-overtime. Sa loob ng dalawang buwang magkasama na kami sa iisang bahay, ay alas singko lagi ito kung dumating. 

Dahil sa inis ay bigla kong binuksan ang pinto, at biglang tumama sa mukha ko ang kamao ng kumakatok. 

"Anak ng...", nabigla ako at hinawakan ang nahampas na ilong. May dugo, shit. Pero mas nabigla ako nang malaman ko kung sino ang nasa pinto. 

"L-Linda? Honey, bakit ka pa kumakatok eh may sarili ka namang susi 'di ba?" tumingin lang siya sa akin at doon ko napansing tuluy-tuloy pa rin ang pagkatok niya kahit wala na siyang tinatamaang pinto. 

"Anong nangyari sa'yo hon? Para kang zombie diyan." nangingiti kong wika. Saka ko lamang napansin na sugatan ang mga kamay niyang pinanghahampas sa pintuan kanina, kaya agad ko siyang nilapitan upang ipasok sa loob, at mabendahan ang kamay. 

Hindi pa rin kumikibo si Linda habang iginigiya ko siya sa upuan. Kakaiba ang mga ikinikilos niya. May problema kaya siya sa trabaho? Sa isip-isip ko. Nagulat ako nang yakapin niya ako at dilaan ang nabasag kong ilong. 

"Hon, mamaya na 'yan, gamutin muna natin ang sugat mo." wika ko, pero sa totoo lang ay gustung-gusto ko ang ginagawa niya. Tumataas ang aking libido. Sa loob ng ilang buwang pagsasama namin bilang mag-asawa ay parang nasa honeymoon pa rin kami araw-araw. Patay na patay pa rin kami sa isa't isa. 

"Hon..." desidido talaga akong gamutin muna ang sugat niya sa kamay. 

"T-R-A-B-A-H-O..." sagot niya. Nagtaka ako dahil parang hindi boses ni Linda ang narinig ko. 

"Trabaho? Hon, anong nangyayari sa'yo?" wika ko habang pilit na inilalayo ang mukha niya sa akin. Doon ko napansin ang dugo sa kaniyang labi. 

Ang dugo galing sa basag kong ilong! 

Halos tumalsik ang kaluluwa ko nang bigla niyang kagatin ang ilong ko. Namilipit ako sa sakit, subalit nagawa ko siyang itulak palayo. Bumaligtad siya sa sahig, at nang tingnan ko siya, ay hindi na siya ang Lindang asawa ko. Nanglilisik ang kaniyang mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Working DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon