KABANATA 07

32 2 0
                                    

KABANATA 07

Hinayaan ko na nakahawak si Isaiah sa kamay ko sa buong biyahe. Mabuti na lang at may kanya kanyang mundo ang mga kasama namin sa bus kaya hindi nakikita ng mga ito kung gaano kami kapula ngayon ni Isaiah.

Nang makarating na kami sa school ay doon lang namin binitiwan ang kamay ng isa't-isa. Sandali lang kaming kinausap ng mga teachers at pinasalamatan sa araw na ito, pagkatapos ay pinauwi na nila kami.

Tahimik kaming parehas habang naglalakad palabas. Kahit na binabati si Isaiah ng mga kaklase namin ay tumatango lang siya at hindi nagsasalita. Parang kaming napipi pareho at walang alam na sasabihin.

"Thalia tawag ka ni Jiro!" Lumingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Kenneth. Nasa likuran namin sina Kenneth at Darryl at si Jiro na nakapa gitna sa dalawa at diretsong nakatingin sa akin at kay Isaiah na nakatingin na din sa kanila.

Pagkalapit nila sa amin ay malawak ang ngisi ng dalawang kaibigan ni Jiro, habang ang mukha ni Jiro ay hindi maipinta at masama ang tingin kay Isaiah.

"Hatid na kita Thalia," saad ni Jiro sa akin.

Magsasalita na sana ako upang tumanggi ng biglang hawakan ni Isaiah ang kamay ko at diretsong tinignan si Jiro na mas lalo pang naningkit ang chinitong mata ng makita kung paano hawakan ni Isaiah ang kamay ko.

"Ako na ang maghahatid kay Nathalia." hindi na naghintay pa si Isaiah ng magiging sagot ni Jiro dahil hinila na niya ako palayo sa tatlo na pare parehong laglag ang mga panga.

"I-Isaiah... Wag mo na akong ihatid. Kaya ko namang umuwi mag-isa," kabado kong sabi sa kanya ng nasa harapan ng kami ng kanyang pamilyar na sasakyan.

"I'll take you home Nathalia." He ordered.

Mabilis niya akong pinasakay sa kotse niya.

"Isaiah, sa kanto mo na lang ako ibaba." baka makita na naman ako ni ate na nakasakay sa kotseng ito at isumbong ako kina mama.

"Why?"

"Basta,"

"Bakit, mas gusto mo bang si Jiro ang maghatid sa'yo pauwi?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tinignan siya.

"Ano?"

"You're obvious Nathalia. You don't want me to take you home because you prefer Jiro." seryoso ang tono ng boses niya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang manibela.

"I'm not thinking about Jiro here!" Pigil kong sigaw na wika sa kanya. Bakit ko naman iisipin si Jiro? Bakit niya ako pinagbibintangan ng ganun?

"Then, who are you thinking Nathalia? Tell me,"

"I'm not thinking about anyone. Ayoko lang na ihatid mo ako sa bahay namin dahil makikita na naman ako ng ate ko,"

"Anong masama? Ihahatid lang naman kita." kunot noo niyang tanong at nilingon ako.

"Walang masama. Ayoko lang ng madaming tanong sa bahay." hindi na ulit siya umimik hanggang sa ihinto na niya ang kotse sa kanto malapit sa bahay namin.

Pag-alis ko ng suot kong seatbelt ay hinawakan ko na ang pinto at aktong lalabas na ngunit mabilis na hinawakan ni Isaiah ang braso ko kaya natigil ako sa paglabas at nilingon ko siya.

"Wait—" tinignan ko ang magandang mata ni Isaiah na nakatingin sa akin ngayon, napaka seryoso ng mukha niya.

"W-What?"

"Bukas... magkita tayo bukas," Diretsong wika niya habang hawak parin ang braso ko. Sobrang lakas din ng tibok ng puso ko. Bakit kami magkikita bukas? Anong meron?

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon