KABANATA 09
I never imagined that someone like Isaiah Arcega would dare to like me. Our class president who never dared to talk to me likes me! At nagmula iyon sa bibig niya mismo. And of course, I like him too. Lahat naman ata sa school ay hindi tatanggihan si Isaiah. Sa ilang buwan nitong pag-aaral ay puro lapit lang ang mga babae sa kanya pero wala itong pinatulan, kaya bakit pa ako aarte?
Hawak kamay kami ni Isaiah habang naglalakad palayo ng simbahan. Wala kaming usapan na magkikita ngayon kaya pinag-uusapan namin kung saan pwedeng magpunta.
Tumingin si Isaiah sa akin at itinuro ang kabilang daan na papunta sa isang bookstore, "Samahan mo muna akong bumili ng libro, for sure ay maganda ang taste mo pagdating mo sa libro," nakangiti niyang sambit na biglang nagpawala sa nararandaman kong kaba.
"Sure! Bibili din ako!" I smiled. Books are my happy pill. Ang dami ko ng koleksyon ng mga libro sa kwarto ko pero parang hindi pa din ako nagsasawang bumili ng mga libro, I'm always excited to read a new book.
Natawa naman si Isaiah dahil sa reaksyon ko at sabay na kaming naglakad papunta sa bookstore. Mukhang nalaman ni Isaiah ang gusto kong pag-usapan dahil habang naglalakad kami ay puro sa libro ang topic namin.
Isang bagay na nalaman ko kay Isaiah ay mahilig din siya sa libro katulad ko, madami kaming pinagusapan na mga librong parehas na naming nabasa, we shared our opinions and our ideas na nagpagaan ng pakirandam ko sa kanya. Siguro dahil matalinong tao si Isaiah kaya napapahanga ako sa mga opinyon nito tungkol sa mga librong nabasa.
Pagdating namin sa bookstore ay sabay kaming namili ng mga libro. I am quite surprised to know that we shared the same taste in books. Sa personality kasi ni Isaiah ay parang hindi ito nagbabasa ng mga romance or fantasy book. Tawa kami ng tawang dalawa dahil sa mga nakakatawang blurbs ng ibang mga libro at sa mismong title ng mga ito. May pagkakataon na natutulala pa ako kapag tumatawa si Isaiah, ang ganda niyang panoorin habang tumatawa. It's my first time to witness his beautiful laughter.
Nakapili ako ng tatlong libro na dalawang teen fiction at isang romance book. Si Isaiah naman ay dalawang libro, napili din nito ang napili kong romance book at may hawak itong fantasy book na sulat ng isang sikat na English writer na talagang sadya nitong bibilhin ngayon.
"Sino ang paborito mong writer?" Curious kong tanong sa kanya habang nagbabayad na kami sa counter.
"Hmm, wala akong mapili kung sino kasi ang dami kong gustong libro. Pero kung magiging isang writer ka talaga, baka ikaw na lang," aniya na hindi nakatingin sa akin dahil nakatuon ang pansin nito sa counter. Randam ko ang mga paro paro sa tiyan ko dahil sa sinambit ni Isaiah, lihim akong napangiti.
Paglabas namin sa bookstore ay dumaan pa kami sa isang milk tea shop at nilibri na naman ako ni Isaiah ng milk tea. Dami atang pera ni Isaiah, sabagay sa laki ng bahay na tinitirhan nito ay paniguradong malaki din ang allowance niya.
Naglakad ulit kami habang bitbit namin ang mga libro at milk tea namin.
"Kailan mo naisip o nalaman na gusto mong maging manunulat?" Tanong niya, natigil ako sa paghigop sa milk tea at nakangiting sumagot sa tanong.
"Nung grade 5 ako nahilig magbasa. High School naman ako ng subukan kong magbasa ng mga pocketbooks. Pagkatapos nun out of the blue ay may naiisip akong story na hindi ko pa naman nababasa. Doon ko naisip na gusto kong isulat yung mga nasa isip ko, kasi kapag may naiisip akong idea hindi ako mapalagay, gusto ko siyang isulat talaga. Kaya doon ko na realize na gusto kong maging isang writer kasi ang saya ko kapag nabibigyang buhay ko ang mga karakter na nasa isip ko lang," mahaba kong paliwanag habang nakangiti. Ang sarap pala sa pakirandam na may nakikinig sa pangarap mo, dahil bukod kay Alissa ay wala ng ibang interesadong makinig sa kwento ko tungkol sa pangarap ko.
BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (✔️)
Teen FictionA Writer's Love Story Si Nathalia Suarez ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. She loves to write stories based on her creative imagination. And her dream is to become a writer someday. A writer who can inspire people thru her books. Ngu...