Chapter 58: Finally
Rue
"ANG bagal. Dalian mo naman Rue!" sigaw ni Kuya Eziel sa baba.
Tumingin ulit ako sa salamin para masigurado ang ayos ako. I'm wearing a simple peach dress na above the knee at flat shoes. Nakalugay ang buhok ko at nakakulot iyon sa dulo. Naglagay rin ako ng kaunting foundation at lipstick.
This is not so me! Ugh!
Si mommy kasi! Tinapon niya lahat ng damit ko dahil para raw akong jologs! Palaging naka t-shirt at pants. E, anong problema ba ro'n? Damit din naman 'yon. Ang pagkakaiba lang ay sexy 'yong mga pinalit niya kaysa sa mga damit ko noon. Kesyo raw dahil may boyfriend na ako ay matuto akong mag-ayos, mag make-up at magpaganda. Kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi niya sa 'kin pero hindi ko na matandaan.
Baka raw maghanap ng iba si Z kapag magmukha akong hindi tao sa paningin niya. Grabe naman 'yong hindi magmukhang tao. Asa naman! Hahambalusin ko talaga 'yon kapag naghanap ng iba. Baka masakal ko lang ang bababeng pinalit niya kapag nagkataon.
Kinuha ko ang maliit na sling bag na pinatong ko kanina sa upuan at agad na naglakad. Hindi ako kumportable sa pananamit ko ngayon. Pero, ano pa ba ang magagawa ko? E, wala na 'yong mga damit ko.
"Kanina pa ako rit—" hindi na niya natapos ang sasabihin noong tumayo na siya sa living room namin.
"Oh? Ano ka ngayon? Nganga ka na sa kagandahan ng kakambal mo? Isarado mo 'yang bibig mo baka kamao ko 'yong pumasok d'yan," nakangising sabi ko sa kanya.
Nawala ang pagkamangha sa mukha ni Kuya Eziel at tinaasan ako ng kilay. Inayos niya ang sarili pati na rin ang buhok. Naalala ko tuloy si Cielo dahil ganoon na ganion ang pag-ayos niya palagi ng buhok.
"Pwede ka pa lang maging tao kapag binihisan 'no?" Pang-aasar niya. Nainis ako bigla dahil do'n.
Hindi na lang niya aminin na nagdandahan siya sa kakambal niya! Kainis 'to.
"Anong sabi mo?!" Hinubad ko ang suot na sapatos at akmang ihahagis sa kanya pero nabitin sa ere ang kamay ko.
"Rue! Ano ka ba! Gawain ba 'yan ng isang dalaga ha? Suotin mo 'yan!" Saway ni mommy sa 'kin nang pababa na ito sa living room.
Napairap ako nang palihim dahil sa sinabi ni mom. Here we goes again! That-be-a-fine-lady-thingy.
Ngisi-ngisi lang si Kuya Eziel sa 'kin at bumelat. Aba't! Muntik ko na talagang ihagis ang hawak kong sapatos sa kanya nang hindi lang 'yon kinuha ni mom at pinasuot sa 'kin. Pasalamat talaga 'yang butiki kong kambal na 'yan at nandito sina mom and dad dahil kung hindi, baka mahagis ko na 'tong sofa sa pagmumukha niya.
"Rue act like a lady. Mas lalaki ka pa sa boyfriend mo niyan, e." Saway nito.
Sumimangot ako at mas lalo pang humaba ang nguso ko nang makitang tumatawa si Kuya Eziel nang walang boses na lumalabas. Dahil nakatalikod ai mom sa kanya ay malaks ang loob nitong mangbwisit sa 'kin. Tang na juice! Humanda talaga siya mamaya.
"Hon, hayaan mo na ang anak natin. Let her decide what she wants to be. 'Saka kung mahal siya ni Z, tatanggapin nito kung ano siya. Right Rue?" Sulpot ni dad at niyakap si mom mula sa likod nito. Kumindat si dad sa 'kin.
Ako naman ang napangisi dahil sa sunabi ni dad. Totoo 'yan dad! Ako naman ang bumelat kay Kuya Eziel pero nakita ako ni mom kaya ganoon na lang ang pagtikom ng bibig ko. Nakita 'yon ng butiki kong kambal kaya tumawa na naman siya nang palihim.
"Eziel, stop annoying your twin! I can see you here." Saway ni mom sa kanya.
Napaayos nang tayo si kuya dahil ro'n. 'Yan kasi! Palihim ko siyang nginisihan at siniguradong hindi makikita ni mom.
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Подростковая литература(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...