Kriznel Shane's POV
Hi! Ako nga pala si Kriznel Shane Jamarilio. 16 years old, 4th year highschool, maka1D, mayaman din. Hindi naman yung sobrang yaman! Sakto lang!
"Krizzy! Anong ginagawa mo dyan?"
Halos matumba ako sa upuan dahil sa gulat. Eto naman si Chelseah oh! Ano? Kabute lang? Pasulpot sulpot?
"Chelseah! Ano ba?"
Sabi ko sabay ayos ng upo. Andito ako sa kwarto nya. Nakaupo sa may study table nya. Aalis daw kami e. Pupunta kasi sa GT ng Gimme 5. Sa trinoma ata?
"Kriznel! Halika na!"
Sabi nya sabay hatak sakin papalabas ng kwarto nya. At after 20 mins. andito na kami sa trinoma. Don't get me wrong! Hindi ako makaGimme 5 okay? Sinamahan ko lang tong besfriend kong patay na patay kay Joaquin Reyes pati kay Nash Aguas.
"Oh? Bakit?"
Tanong ko dahil nagstop sya tas tinignan nya yung phone nya.
"Wala, tinext ko lang sila kung nasan na sila. Andun na daw sa timezone! Let's go!"
Sabay hatak nanaman! Etong babaeng to! Namumuro na to e. Kanina pa ko hinahatak! Isa pa Chelseah sasapukin na kita!
After 10 mis. nakita na rin namin sila. Grabe, andami naman nila! Puro members lang ng official fansclub ang nandito. Tsk. Eto namang katabi ko halos mamatay na sa sobrang kilig!
"Hi there beautiful!"
Sabi sa kanya ni Joaquin. Isa pa to eh. Ako yung napeperwisyo sa pa ganyan ganyan nya e. Yung braso ko namamaga nanaman kakahampas ni Chelseah.
"Hello."
Aba? Ang gaga nag blush pa. Eto naman si Joaquin.
"What's your name?"
Tanong nya kay Chelseah.
"Chelseah."
"Nice name! Eh how about this girl beside you?"
Nakatingin kasi ako dun sa nagtitinda ng pop corn. Nagcrave ako bigla. Kaya nagulat ako nung sabihin ni Chelseah yung name ko.
"Kriznel Shane."
Napatingin ako kay Chelseah.
"Ha? Bakit? Anong meron?"
Tumingin sakin si Joaquin. Tas biglang ngumiti, yung ngiting nakakaloko.
"HAHAHAHA! Mukhang di ka yata nakikinig Shane! Stay with you're bestfriend okay? Baka kasi mawala ka. ;)"
Aba? Ang loko! May pakindat kindat pang nalalaman! Buset!
"Tsk. Close ba tayo?"
Pairap kong sagot! Kaasar sya!
"Hindi, kelan ba tayo naging close?"
After nyang sabihin yun. Tumawa yung girls. Pahiya ko dun ah. Lecheng to. Buset!
"Tara na, punta na tayo sa loob?"
Naglakad na sya. Pero teka, mali yung daan nya! Kaya humarang ako sa harap nya sabay sabing..
"Mali yung daan! Sa left dapat. Ano ka babalik? Tsk."
"I know!"
And for round two! PAHIYA NANAMAN AKO! Dapuq.
Bumalik na lang ako dun kay Chelseah na sobrang pula na ng mukha sa katatawa!
"Pahiya ka dun ah. Pffft!"
"Ulol."
Tsk. After 2345678 years ng paglalaro nila together with Gimme 5 kumain na rin kami. And syempre sabay kong kumain si Chelseah.
o_O Nagulat ako sa expression nya. Nakatingin sya sa likod ko. Kaya tumingin din ako sa likod ko. Si.. Si.. Si MR. EPAL! Oo! Si Joaquin yun. Pero tawag ko sakanya MR. EPAL! Pero bakit sya nandito? Problema nito?
"Hey, Can we seat here? Wala na kasing vacant seats eh."
Sabi nya habang nakangiti at nakatingin sakin!
"Yea--"
"I'm not talking to you! I'm talking to Chelseah!"
WHAT?! PINAGTITRIPAN BA AKO NETONG LALAKING TO? YUNG TOTOO?! NAMUMURO NA TO SAKIN EH!
"Kapal talaga netong lalaking to. Akala mo kung sinong gwapo."
Pabulong kong sabi.
"Pwede kung bubulong ka? Pwede pakihinaan naman ng onti."
Sabay smirk nya. Pero di sya nakatingin sakin sa pagkain nya sya nakatingin! Kahit kelan talaga!
"HI Shane! ^_^"
Sabi nung gwapong lalaking nasa left side ko. Si Nash pala!
"Hello."
"Uhmm, can I be you're friend?"
"Oo naman!"
"Tara? Dun tayo sa isang table."
Napatingin ako sa iba. GRABE! WALA NA NGA TALAGANG IBANG VACANT SEAT EH NOH? GRABE TALAGA TO SI JOAQUIN REYES! MGA PALUSOT NYA! UGHHHHHH!
"Sige."
Sabay tayo ko. Pero hinila ni Mr. Epal yung kamay ko. Ano nanamang problema nito?
"What?!"
Yung mukha nya. Parang nagseselos? Pero weh? Sya magseselos? Tsk.
"Dito ka lang! Dito ka lang sa tabi ko!"
"YIEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!"
They all said in chorus. Grabe ha?! Pati ako nangamatis! Hayooooooooooooooop!