11

1.6K 92 0
                                    

KAIYA POV'S





"Oyy! Ano? Kaya pa ba?" birong tanong ni Carrie. Inabutan niya ako ng tubig, agad ko naman itong inubos.

Uhaw na uhaw ako, takti!

"Uhaw na uhaw sis?" tanong niya.

"Sinong hindi mauuhaw! kanina pa ako pinapabalik balik ng pesteng boss na'tin mula 2nd floor at 24th floor para lang sa pesteng papeles na paulit-ulit niyang pinapa copy sa akin." singhal ko habang nakahawak sa tuhod ko.

Napailing naman si Carrie. "He's really a jerk, but at the same time..." hininto niya ang sasabihin niya dahil kinikilig na tumingin siya sa akin. "He's a goddess. Ang gwapo niya sis! Kung ako sa posisyon mo, magiging inspiration ko siya para kahit ginaganyan niya ako ay hindi ako mapapagod." madaldal na sabi niya.

Ngumiwi naman ako sa sinabi niya. "Tsk!" asik ko. Bumukas ang pinto ng Elevator at agad na akong dumeretso sa office ng magaling kong boss.

"Sir, ito na po yung pinapa copy niyo." pinilit kong maging casual sa harap niya kahit na ang sarap na niyang batukan at sigawan.

"Hmm, ilapag mo lang diyan. By the way, Anong schedule ko ngayong tanghali?" he casually asked.

Agad ko namang tiningnan ang schedule niya.

"You have a lunch meeting together with Mr. Alvarado." I answered.

He nodded. Sinundan ko sya ng tingin ng tumungo sya sa sofa ng office nya at inilapag ang hawak nyang cellphone sa table nito. Kahit saan talaga titingnan si Samuel, napaka gwapo nya. Ito ung literal na matatawag mong pinagpala ng Diyos dahil matatawag mo talaga syang perpekto kahit saan mang angulo.

Simula sa style ng buhok nya na di ko aakalain na babagay sa kaniya. Patungo sa mukha nya na kahit dumi ay matatakot na dapuan dahil sa kinis nito. Hindi naman nagbago ang mukha nya sa dating Samuel na iniwan ko noon, Nagmukhang matured lang talaga sya dahil narin siguro sa nagkaka-edad na kami.

Naging makisig din ang datingan nya dahil sa mga biceps na bumabakat sa suot nyang suit. At dahil narin sa pagdagdag ng height nya, Mas lalo syang tumangkad. Daddy na Daddy~

"Cancel it."

"Huh?" gulat na tanong ko bago lang natauhan na kanina ko pa pala sya pinagmamasdan. Mabilis kong iniwas ang tingin ko, mabuti nalang ay hindi nya akong nahuli na tinititigan sya.

Tumingin siya sa'kin na may supladong mata. "Cancel it." may diing sabi niya.

‘Yong meeting ba tinutukoy nya? Gosh Iya! Focus sa work, Be professional!

Agad akong tumango. "A-ah, okay po, sir!"

Dali-dali kong tinawagan ang secretary ni Mr. Alvarado para sabihin na kansilado ang lunch meeting nila, Ipapa reschedule ko nalang ito next week. Ako narin ang humingi ng tawad dahil mukhang hindi nagustuhan ni Mr. Alvarado ang pag kansela sa meeting nila ni Samuel.

Pagkatapos matawagan ay agad na akong nag ayos ng gamit ko dahil lunch break na. Excited pa naman akong kainin ang niluto ng mga anak ko.

Habang inaayos ang ilang papeles na ipapasa nalang ay narinig kong tinawag ako ni Carrie. Sininyasan ko siya ng 'bakit'. Itinuro naman niya ang pinto ng office ni Samuel.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ano nanaman kailangan nito? Lunch break ko ngayon! Maawa ka namang halimaw ka!

"Yes sir? May kailangan pa kayo?" tanong ko ng makapasok.

"Saan ka kakain ng lunch?" tanong niya ngunit hindi nakatingin sa akin dahil busy ang mata niya sa papeles na hawak niya.

"Ahm, sa plato..." lutang na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung bakit tinatanong niya pa kung saan ako kakain.

Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO  - ( RPW SERIES #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon