VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS

9.7K 185 8
                                    

WARNING!!

This is a BL ROMANCE novel. It contains contents about homosexual relationship and gender issues. If you're not into this kind of story genre, then don't read it. I don't want to offend nor to disrespect anyone's belief by this story. I respect everyone's beliefs as I want to respect mine. Please let us exercise giving utmost respect to one another to avoid conflict between us.

Thank you.

-AKI 

DISCLAIMER:  This is a work of fiction names of characters, place, businesses, actual events, incidents or establishment are either all product of the authors widely imagination or just used in fictitious manner. Any resemblance to any living/dead person, actual events, place and incidents are just purely coincidental.

No part of this story may distribute,  publish, transmit, modify, display or create derivative works form or exploit the content of this story in any electronic or mechanical means. Please acquire for the writers’ permission.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Soundtrack: Saving Forever For You (Cover by: Myke Salomon)

VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS

Prologue

I have never fall in love. Not that I don't believe in love. But maybe I don't have time to fall, or I don't have the concept of love or I don't know how it works or maybe I just simply don't know how to fall in love. I don't know!

I have read and watch romance novels and films. Still, I don't get the idea of love. I mean, how can someone's heart beat for another person? Is that even possible? Did you really feel that kind of thing when your in love? Don't get me wrong, I just don't get it. I was so confused. 

Until I met him..



"Hey."



Tipid akong ngumiti sa kaniya nang makalapit ako. Umupo ako sa kabilang dulo ng bench.



"Hi." Bati niya sa akin.



Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Nagpa-pakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita.



"I have something to tell you." Siya na ang naunang nagsalita.



Hindi niya na ata kinaya ang bigat ng awkwardness sa pagitan naming dalawa.



"Nasabi ko na sa iyo, I already like someone for nine-years. Nakilala ko iyon noong nasa grade 7 pa kami." Huminga siya ng malalim. "...sa isang camping trip, nahulog siya sa isang butas at nasugat ang kaniyang tuhod."



Isang alala ang biglang pumasok sa isipan ko dahil sa kwento niya. Nangyari rin sa akin iyon noong nasa grade 7 ako sa una kong school camping trip!



"Nakita ko siya at tinulungan. Una ko palang na kita sa kaniya ay nagustuhan ko na siya. Simula noon, lagi ko akong tumatambay sa harap ng room niya para makita siya. Hindi ko napansin, sa bawat araw na lumilipas, nade-develop na pala yung nararamdaman ko sa kaniya." Sabi niya.



Nanatili lamang akong nakikinig habang ang aking dibdib ay patuloy sa malakas na pagtambol.



"Pinagbutihan ko ang academics ko, I'm hoping na malipat ng section para maging classmate kami. When I finally did, I was too late. Umalis na siya at nag-transfer."



Bumaling ako sa kaniya. Nakatitig siya ngayon sa akin. Napakdaming emosyon sa kaniyang mga mata na sobra-sobra para maintindihan ko.



Ngumiti siya.



"Akala ko makakalimutan ko na siya noong umalis ako ngunit mali pala ako. I never forget that person who took my heart the first time I saw him." Sabi niya. "I came back for him." May inilagay siyang panyo sa pagitan naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang panyong iyon.



Nanggilid ang aking luha. A...ako? A...ako yung taong tinutukoy niya? A...ako yung taong matagal na niyang gusto?



Iyon yung panyong ibinigay sa akin noong schoolmate kong nagligtas sa akin sa butas na kinahulugan ko. Itinabi ko iyong panyo na iyon dahil sobrang importante sa akin noon. Hindi ko naman siya nakilala noon dahil sa nanlalabo kong mga mata sa luha dahil sa takot.





Nawala iyong panyo na iyon noong gabi sa bar na una naming pagkikita. Sa tagal na ay nawala na rin sa isip ko. Ngayon ko nalamang naalala!



"Paano? Bakit?" Mahina ang aking boses.



"I don't know. I don't know how you took my heart that easily. Until now, you're still holding my heart." He looked up to the stars.



I just remained staring at him.



"We've been away for nine years and we are million miles away from each other, who would have thought that time like this would come? Malapit ko nang isipin na sa akin ka talaga itinadhana." He chuckled.



Natawa rin ako saka huminga ng malalim. Hindi ko man lubos na ma-absorb ang lahat ng revelation na ito ni Jasper sa akin, there's a part of me that feels really happy.



But at the same time, yung takot na nararadaman ko ay mas lalong lumaki. Ngayon na alam ko ng gusto niya ako, ano na ang mangyayari? Anon ang pagkatapos nito? Magiging kami ba?



"Jasper... I don't know what to say..." Iyon lamang ang nasabi ko sa dami ng kaniyang ipinagtapat sa akin.



Gusto kong sabihin sa kaniya na mayroon rin akong nararadaman para sa kaniya ngunit natatakot ako. Paano kung mali ako? Paano kung hindi ko naman pala siya gusto? Baka masaktan ko lamang siya. Baka mapaasa ko lamang siya!



Narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin.



"Tell me Ryu, wala ka bang nararamdaman para sa akin?"



Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa akin habang nagiintay ng aking sagot. Naging malikot ang aking mga mata at nagapa ako ng salitang pwedeng isagot.



"E...ewan ko. Hindi ko alam kung gusto din kita Jasper. Naguguluhan ako. Hindi pa ako nagkagusto sa kahit kanino kaya hindi ko alam kung itong nararamdaman ko para sa iyo ay sapat na para sabihing gusto kita." Naiiyak na ako.



"Then let's figure it out tighter Ryu." Napalingon ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko.



"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.



"Date me." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang tinuran. Date him?

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon