Chapter 5

4 4 0
                                    

"She's Pregnant?!"

Emily's POV.

Umalis kami kahit na nakokonsensya kami.Lutang ang aming isip wala sa sarili hanggang sa napadpad kami sa gubat. Madilim at masukal ang gubat na ito kaya't nagdikit-dikit kami at baka may kung anong mangyari.

Pagdiretso namin ay may nakita kaming isang sirang bahay kaya't pumaroon muna kami upang magpahinga.

Nakakabingi ang tahimik.walang ilaw,walang ingay. Tanging mahinang yapak lang namin ang iyong maririnig.

Nawala ang ingay ng biglang lumuha si Elvhi.

"na-nandidiri ako sa sarili ko!"sigaw nito at agad itong yinakap ni Luke upang patahanin.

Bumaba si Doctor Luke galing sa ikalawang palapag at inabot ang nakuha niyang damit kay Elvhi.

Sinamahan ko 'to sa banyo upang magbihis.

- - -

Ilang Araw ang lumipas Ngunit wala namang nangyari sa amin sa bahay na 'yon Mukang ligtas at Malayo sa mga Zombie.

Nasa kusina ako.Kumakain nang bigla kong makita si Elvhi Na sumugod sa banyo.

Tanging malakas na tunog ng pagsuka ang aking narinig. agad ko 'tong sinilip at nakita si Elvhi na nakasubsob sa Inodoro.

"Elvhi?! Anong nangyayari sayo?!?" agad kong tanong na tinugunan niya lamang ng mariin na ngiti."May lagnat ka ba?!"Tanong ko at hinawakan ang kanyang leeg at noo.

Bigla naman akong nagulat ng wala siyang lagnat.

"Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo Emily ayoko marinig iyon"wika niya sa mahinang tono,"ipapalaglag ko 'tong batang ito"dagdag niya at sinuntok-suntok ang tiyan na aking pinigilan.

"Ipapalaglag?!? Baliw ka ba, hindi siya ang may kasalanan?!wala siyang sala"

"pero siya ang bunga"tugon niya sa akin at Niyakap ako.

"O sige,Ituturing ko 'tong isang anak"wika niya sa pilit na tono at humagulhol.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko ng may marinig akong mga alingaw-ngaw ng baril.

"Halina kayo nagpakawala ng Maraming Zombie ang mga mentago sa atin!" sigaw ni Doc. Wise at sinundan namin siya.

Nang makalabas kami sa bahay na 'yon ay bigla akong napahinto ng marinig ko ang Boses ni Jaco.Ang Gag* sa Mentago.

"Emily!! Naaalala mo ba ang gabing ikaw ay nabaril?"sigaw nito sa nakakabanas na tono na nagpagigil sa akin.

"Sino?! Ilabas niyo sa akin ang Bumaril sa amin noon!"sigaw ko sa sobrang galit.

"Emily! Tara na maraming Zombie ang parating"wika ni Doc.Wise na hindi ko naman pinansin.

"Kilala mo si Lokerio? Ako at si Lokerio ang bumaril sa inyo?!"wika nito.

Si-si Lokerio? Ang bumaril sa amin ni Mama?

Hindi ko maiwasang maging lutang dahil roon at binuhat ako ni Doc.Wise upang maka-alis na ngunit ayaw maalis na Si Lokerio ang bumaril.Mabait siyang Tao pero?

- - -

Luke's POV.


Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa pangyayari.Mabuti naman ay Walang nasaktan.

Madilim na at nandito kami napadpad sa isang hotel.Mabuti na lang ay may nakuha pa akong mga pagkain.

Ka'y tahimik ng Gabi,Malamig ang hangin at mapayapa na lumilipad ang mga Paniki.

Pagka-akyat ko sa Rooftop ay nakita ko si Elvhi Na nakatingin sa langit.Pinagmamasdan ang mga bituin.

"Ang ganda ng Mga bituin noh?"wika ko na agad siyang napatingin.

Tumango ito at sumimangot.

"Napansin ko lang.Bakit kanina ka pa balisa?"tanong ko at umupo sa tabi niya.

"May sasabihin ako sayo.."wika nito na agad kong tiningnan ang mga mata niya,"Nagbunga..."pambibitin nito.

"Nagbunga ang alin?"

"Ang ginawa sa akin ng Boss ng Mentago"wika niya at agad ko itong niyakap.

"Huwag kang mag-alala...ako na lang ang magiging ama ng Batang iyan"wika ko at ngumisi. Bakas sa mukha niya pagkahiya at Tumitig akong muli sa kanya.

"Simula pa lang na makita kita...Mahal na kita"sambit ko at hinalikan siya.

Kumawala naman siya at tumayo.

"Matutulog na 'ko...bukas na lang"wika nito na nahihiya.

"anong bukas? 'yong halikan?"Wika ko at ngumisi.

"baliw ka talaga"wika nito at umalis na.

Pupunta na rin ako ng maalala ko ang Western Lark Hostpital.

Iyan ang pupuntahan namin kung hindi lang Nakuha ng Mentago si Emily.
Kung ipagpatuloy kaya namin ito?

Bumaba ako at pupunta kay Doctor Wise.
Pagbukas ko ng pinto.Nakita ko si Doctor Wise na may malaking sugat sa braso.

"nakagat ka?"Wika ko. Gulat naman siyang tumingin sa akin.

Agad niya itong tinakpan at nakita ko na narinig ng mga kasama namin ang sinabi ko.

"Doc?? Totoo?"wika ni Emily at niyakap si Doctor Wise.

"Emily lumayo ka sa kanya"Wika ko sa kaba.

"Huwag kayong mag-alala...Ang kagat na ito ay mag-iisang buwan na"wika niya at ipakita ito sa amin.

Natuyo na ang sugat niya. Posible kaya na...

"Posible kaya na..."wika ko na agad dinugtungan ni Doc."ako ang maging Lunas?"wika niya at umupo.

"naisipan ko rin 'yan kaso Gusto ko pang mabuhay"wika niya na ikinalungkot ko.

Agad ko siyang niyakap.

"hindi mo naman kailangan na dahil makakahanap rin ang mga Doctor Sa Western Lark Hostpital na hindi ka kinakailangan"wika ko dahil kahit ako...ayoko siyang mawala.

"pero pupunta tayo sa Western Lark Hostpital para maging safe si Emily... Maging safe kayo"wika niya at kumawala sa yakap ko.

"bukas ng madaling araw..lalarga na tayo"

February Twenty OneWhere stories live. Discover now