Chapter 18: Anaphase I

98 3 1
                                    


"This will be our last kita for the year?" I asked habang pinupunasan ang sipon at tinutungga ang Smirnoff ko. I can feel my head spinning a little dahil sa alak. Tama nga ang sabi ni Aryanna, traydor 'tong alak na ito.

"Bakit ka naiyak?" Tanong ni Arya sa akin habang inaayos na ang mga pinagkainan namin. Katatapos lang namin manood ng isang movie. We are already done with all end-of-the-world genre movies kaya naman humirit na ako ng isang love story man lang dahil wala na yatang sweet bone sa katawan ang dalawang kaibigan ko.

"Nakakaiyak, eh! Hindi ba kayo naiyak?!" Naasar ko pang turan sa kanila. Nakita ko pang nagkatinginan sila bago bumaling ulit sa atin.

"Sana all may jowa!!!" Sigaw ni Annica bago pumasok ng kwarto ni Arya.

"Namatay yung babae! Grabe! Imagine! 13 years sila!" I said in pure heartache. Inirapan lang ako ni Arya at lumabas naman si Annica na hawak ang tuwalya niya para makapaglinis na ng katawan.

"Mung tanga naman kasi ung break-up nila! 'Yon na yun, break na sila dahil badtrip sila sa isa't isa. Tapon na lang nila" She said as she headed towards the bathroom. Hindi ko na napigilan ang mapabusangot dahil sa sinabi niya habang sinusundan ko si Arya sa kitchen para kumuha ng tubig.

"You know what's funny in the movie, for the 13 years of their relationship. Hindi nila kayang mag-keep up sa worst ng bawat isa. To think that is just a one time incident. Hindi ba sila nag-aaway?" Balik na argument sa akin ni Aryanna. Kaya naman natahimik na lang talaga ako at hindi na umarte kahit gusto ko pang ipaglaban na sobrang nababadtrip ako sa kinalabasan ng ending ng story.

We are actually here at Aryanna's new condo unit. Last over-night namin for the year dahil magpapasko na sa friday ay kailangan na namin mag bonding dahil for sure hindi kami magkikita sa Christmas at New Year, this serves as our mini celebration for ourselves at ilang beses na namin tong ginagawa sa lahat ng taon ng friendship namin and I somewhat feel like its a tradition.

"Kamusta kayo ni Rahim?" Nagulat ako ng itanong iyon ni Annica nang tuluyan na kaming nakahiga sa nilatag na comforter ni Aryanna. I'm in the middle of the both of them dahil si Aryanna gustong nakatapat sa pader kapag natutulog while Annica consumes a lot of space while sleeping.

"Okay lang? Bakit?" Hindi ko siguradong sagot sa kanya.

"Wala lang. Ang komplikado ng mga lalaki. Ung sense of ego nila, sense of masculinity. Kulang na lang mag-time travel sila pabalik sa kapanahunan ng lolo ko dahil punyeta, nakakabadtrip na ung mga ugali nila. Minsan naiisip ko, gusto ko na lang tumikim ng tomboy."

"Tangina mo, Annica."Agad na sagot ni Aryanna kaya namna hindi ko na napigilan ang tumawa.

"Si Cap pa rin ba 'yan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya.

"I never asked him to bring me to fancy places. Mas okay nga na sa simbahan niya ko minsan dinadala, akala ko yayayain niya na ko ng kasal. Bagal ang puta!"

"Nica!" Tinawanan naman kaagad niya ang pagsita ko sa kanya kaya naman humiga na ako paharap sa kanya.

"Is he intimidated because of your money?" Tanong ko. I can feel Aryanna getting up dahil sa biglaang pagkilos niya sa likod ko.

"He is finding his sense of being the man in between us. Kaya urong-sulong, kaliwa-kanan kami. Minsan andyan, minsan wala. Ayokong mag-settle sa taong hindi naman sigurado sa sarili niya." Sagot niya ng deretso ang tingin sa kisame. Hindi ko napigilan ang sarili kong kagatin ang pang-ibabang labi dahil sa sinabi niya.

"Maybe because it's his instinct to provide for the both of you. Hindi ba malaki ang sahod niya? Aeronautical engineer siya ah." Sagot naman ni Aryanna.

How Do We Live?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon