Wala po munang dedic dahil sa mobile app lang po ako nagUD.
Dahil mahal ko kayo, maguUD ako kahit busy ako. Haha.
(Akala mo andaming readers eh. XD)
*Jansed Mabborang's Pic
--------------------------------------------------------------------
"Ikaw???!!!!!!"
Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Teka? Alam ko ang GGA para daw sa Incarnate ah. So ibig sabihin.....
Isa ring Incarnate si Shigeru Sakamaki?
"Anong ginagawa mo dito?" Sigaw niya sa akin.
"Bakit? Pakialam mo? Dorm mo?" Sagot ko sa kanya.
"Aba't.." Inambahan niya ako ng suntok kaya napapikit ako. Ilang segundo na ang nakalipas pero wala pa din kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko siya na nakakuyom ang mga kamay at halatang nagpipigil. Ibinaba niya ang kamay niya at tsaka ako dinaanan. Binangga pa niya ng bahagya ang balikat ko.
Why you gotta be so rude?
Bumalik na ako sa higaan ko at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Ampfufu naman. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng kaibigan dito at malalayo na sa mga buliies pero ano? Hanggang dito sinusundan ako ng bangungot ko. Wala na. It's over! Binilisan ko na ang pagligpit at natulog na agad dahil nabubugnot ako sa kasama ko dito sa kwarto. Nakakainis talaga!!! Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang inis.
----------------------------------------------------------------
Nagising ako kinabukasan na walang nadatnan na Shigeru sa kwarto. Buti naman at wala ang asungot na iyon dito. Anlakas makapanira ng araw eh. Tumungo na ako ng kusina para kumain pagkatapos ay naligo at lumabas na ng kwarto. Syempre nagdamit muna ako no. Hindi naman ako exhibitionist para lumabas ng kwarto na nakahubo.
Anyway, tinignan ko ang dala kong registration form para malaman kung anong oras ba ang una kong "klase".
11 A.M.
Hmmm. 9 pa lang. May time pa ako. Maglilibot na lang muna ako. Ang tanong lang, saan ako pupunta? Habang naglalakad ay naalala ko yung dalawang building na hindi masyadong inexplain ni Machi.
Forgery and Arena
Una kong pinuntahan ang forgery para makita kung anong meron dito. Alam ko sa mga video games doon ginagawa ang mga sandata. At hindi nga ako nagkamali.
Pagpasok pa lang ng forgery building ay naamoy ko na agad ang tinunaw na bakal, mga nagbabagang uling, tunog ng mga hinahampas na metal, at halos kumutan na ako ng usok sa paligid. Hindi na nakapagtataka dahil natural lang iyon. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang mga gumagawa ng sandata. Karamihan sa kanila ay halos kasing edad ko lang. Nakakamangha naman tong mga to. Hindi na rin ako nagtagal doon dahil feeling ko masusuffocate ako dahil sa sobrang usok. Tsaka na lang ako babalik pag mas mahaba na ang oras ng bakante ko. Sa ngayon ay may mas interesante akong gusto puntahan, ang Arena.
Bago pumasok ay pinagmasdan ko muna ito mula sa labas. Ang hugis ng arenang ito ay hindi kaiba sa mga arena na nakikita ko sa palabas. Pabilog, walang bubong at upuan na pahagdan ang ayos. Parang coliseum sa Rome.
Hindi ba't ang arena ay isang lugar kung saan nagaganap ang labanan?
At hindi nga ako nagkamali. Pagpasok ko pa lang ng gate ay may isang malaking tipak ng bato na kasinlaki ng bahay, yung may second floor, ang patungo sa akin. Nagmistulang ugat ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at wala na akong nagawa kundi ang sumigaw na lang.
BINABASA MO ANG
Alter Ego (On-Hold)
FantasyEveryone has a second self unbeknownst to others. A second self that can be a manifestation of who we really are or what we really want. But what if your second self is actually an entity which are rumored to have existed long time ago? What if you...