Nagsimula ang lahat ~ღ

4 0 0
                                    

#Snap#

        Ang unang picture ni Gina. Graduation day na nya. Walang corsage dahil walang pera, buti nalang may napulot na pera si Juliet, ang kapatid nyang babaeng mas matanda sakanya ng isang taon. Wala pang android o touchscreen noong panahong yon. Mababa ang sweldo dahil maliit pa ang halaga ng mga bagay bagay. 25 centavos pa ang mga candy at punong puno pa ng mga batang naglalaro sa bakuran. Tanging ang mga mayayaman lang ang may mga gadget gaya nga ng camera na pagmamay-ari ng kaklase ni Gina. Buti nalang ata may camera, isip nya, may remembrance ako ng highschool ko. Pagkatapos makuhanan ng litrato agad nyang sinabi sa klasmeyt nya na hihingi sya ng kopya ng litrato at pumayag nman ito. 

        Hindi masasabing naging masaya ang graduation day nya. Bakit? kasi hindi umattend ang mga magulang nya. Sya lang ngayon, mag-isang naglalakad pauwi sa bahay nila. Gawa sa kahoy ito at may ikalawang palapag. Malapad ang lupa kayat malawak ang napaglalaruan nila noong bata pa sya. Wala pang binebentang "LOT" sa House and Lot noon. Kaya ang lupang pinagtatayuan ng bahay nila ay walang bayad.

        Panahon ng Hapon pa lamang noong mga dalaga't binata pa sina Maximina at Manuel, ang mga magulang ni Gina. Nagtatago sa kweba, hindi kumakain, hindi pwedeng magpa-usok o gumawa ng apoy dahil natutunton sila ng mga sundalong Hapon. Fix marriage ang kinahinatnan nila. Walang pangkain si Maximina sa kanyang mga kapatid, iniwan na sila ng mga magulang nila kaya sya ang may responsibilidad sa mga kapatid nya. May kaya naman ang pamilya ni Manuel. Niligawan si Maximina na pakasalan si Manuel para mging masagana ang buhay niya at ng mgakpatid nya . Pang-apat si Gina sa panganay at pang-lima sa bunso. Malaking klase ng pamilya ang Hindap family. Walong magkakapatid. Isa pa lamang ang nakatungtong na sa kolehiyo, ang panganay nyang kapatid na lalaking si Elmer.

        Pagdating sa tahanan nila, patay na ang mga ilaw. Tulog na sila, isip ni Gina. Kumpara sa ibang teenager, ang 16 years old na si Gina ay hindi natutuong makaramdam ng pagdadabog o galit o inis sa pamilya. Mulat na sya sa reyalidad. Sinusunod nya ang kanyang ina anu man ang utos nito. Mahigpit si Maximina sa mga anak, opposite nman kay Manuel. Mas gusto ng magkakapatid ang ama nila dahil sa kabutihan ng loob nito. Nalulungkot man, nagbihis at natulog na lamang si Gina at inisip ang kinabukasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bon Voyage ~ღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon