Chapter 5

892 61 15
                                    

Catalina Venus Lopez

Mabilis ang mga lakad ko at hindi alintana ang mga asong nakasunod lang sakin. Ni hindi ko alam kong anong oras na ba. Napahinto ako ng marating ko ang street namin. Luminga linga muna ako para siguraduhing walang nakakakita sa akin. Mga chismosa kasi ang mga tao dito alam kong iba ang iisipin nila pag nakita akong umuuwi ng ganitong oras.

"Hoy itlog.." nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Ay itlog ng aso!" Bulalas ko dahil sa pagkagulat. Pag tingin ko naman sa likod ay isang pares ng mala langit na mga ang nakatitig sa akin.

"A-ano ba? Anong ginagawa mo dito? Papatayin moko sa gulat.." sabi ko habang sapo sapo ang dibdib ko.

Hindi ito sumagot at para bang may kong anong nasa mukha ko at nakatitig lang ito sa akin. Teka.. baka namumukaan niya ako? Agad akong umiwas ng tingin dahil parang nanghihina ang mga tuhod ko sa titig niya.

"What time is it?" Tanong niya. Bakit ang hilig niyang mag tanong ng mga hindi related sa pinag uusapan namin?

"A-aba malay ko! Umuwi kana nga.. baka mapagtripan ka ng nga tambay dito. Wag ka mag alala.. babayaran ko yung utang ko sayo." Saad ko pero nakatingin lang ito sa akin. Hindi naman ako mapakali dahil naiilang ako sa presensya niya.

"U-uuwi na ako.." Iwas tingin kong sabi pero para akong na kuryente ng hawakan niya ako sa braso. Napalunok ako ng wala sa oras. Ang init ng kamay niya tumatagos sa sleeve ng suot kong hoodie. Hindi ko alam kong ilang minuto kaming nakatayo sa ganoong pwesto.

"Happy birthday..." Napakurap ako. Ano daw? Binati niya ba ako ng happy birthday?

"H-ha?" Ngumiti ito at parang nanlambot ang kalamnan ko.

"Here.." kunot noong tinignan ko ang binibigay niya. Ang ID ko pala. Ang tanga ko naman.. nakalimutan ko pa. Kaya pala nalaman niya ang birthday ko.. nakalagay kasi yung sa ID ko. Kinuha ko naman yun.

"It's already midnight.. so it's already your special day." Sabi niya. Ni hindi ko naalala na birthday ko na pala.

"Uhm.. salamat." Awkward pa ang tawa ko.

"Come on.." Humakbang na ito paalis pero pinigilan ko siya.

"Teka teka.. saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"We'll celebrate your birthday.. don't worry.." Lumapit ito ng bahagya sa tenga ko at para naman akong tangang nanigas. Nanuot ang pabango niya sa ilong ko.

"I'm not going to do anything to you... na hindi mo magugustuhan." Para akong matutumba ng tumama ang hininga nito sa tenga ko.

"Let's go.." Hindi na ako nakapag protesta ng hilain niya na ako. Nakarating kami sa sasakyan niya na naka park pala sa harap ng convenient store. Pumasok ito ulit doon at may biniling kong ano ano.

"Saan ba kasi tayo pupunta? At nakakasigurado ba akong hindi mo ako itatapon sa gilid ng bangin?" Tanong ko ng papasok na ito sa kotse niya. Napansin ko ding iba na ito hindi na ito yung nagasgasan ko.

"You think too much and look at me.. nakikita mo ba 'tong itsura ko and I'm an El Grande,. Hindi ako mamamatay itlog." Inirapan ko nalang ito at pumasok nalang sa sasakyan niya. Napakayabang naman. Bahala na.

"Teka ano bang ginagawa mo doon sa ganitong oras?" Tanong ko pero hindi ito agad nakasagot. Gusto ko kasing malaman kong anong ginagawa niya doon sa club. Napaka imposible kasing mapadpad ito sa ganoong klaseng lugar. Kong pupunta man ito sa mga bar o club yung mga mamahaling club ang pupuntahan niya. Hindi doon sa strip club na puro sabog ang tao.

"I got lost.." sagot niya. Naligaw siya? Hindi ko na inisip kong paano siya naligaw dahil natuon ang atensyon ko sa labas ng sasakyan niya. Pansin kong palabas na kami sa syodad. Jusko po dito niya ba ako papatayin? Walang makakaalam na siya ang huli kong kasama. Walang makakaalam na siya ang pumatay sa akin.

Angels In Bed Series: Louise El Grande Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon