Who You?

214 3 7
                                    

Dedicated ko to kay eiron08 kasi sya yung unang nag appreciate ng unang kwento ko.

Puro una.

Pero last na.

Eto na talaga....

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paano pag ang boyfriend mo ay may girlfriend palang iba?

Ang masaklap pa, alam mong may girlfriend sya pero patay malisya ka?

Magtitiis ka na lang ba?

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Since high school crush na ni Pia si Macky.

Magkaklase sila at magkapit bahay pero hindi sila close.

Noong high school sila, tahimik lang si Macky at laging mag isa.

Pero nag iba yun noong nag college na sila.

Naging mabarkada si Macky at madalas nang wala sa bahay. Lagi silang umiinom ng mga barkada nya. Nagsusugal na rin sya. Hindi na sya yung dating nakilala nyang Macky.

Magkaiba ng pinasukang school sila Pia at Macky.

Nagkikita parin naman sila pero hindi na ganoon kadalas.

Isang araw, nagkita sila at nagkamustahan. Kinuha ni Macky ang number ni Pia at nag umpisa na silang maging close sa text.

Isang gabi, habang nagpapalitan sila ng text messages, may naisip si Pia.

“Ano kaya kung ipagtapat ko na sa kanya na matagal ko na syang gusto?”

“Pero baka magalit yon. Di na ako itext.”

“try ko ngang itype kung anung sasabihin ko.”

At ito ang tinype nya sa phone nya.

“Macky, alam mo nung high school palang gusto na kita.”

Ilalagay lang sana nya sa drafts ang text nya. Nakalagay na rin ang name ni Macky sa “Send To:”

Nang biglang tumunog ang phone nya.

 Nagulat sya.

Sa sobrang gulat nya, napindot nya send button.

“HALA KAH!!! ANAK KA NG NANAY KO!!! NASSSEEEENDDDD!!!!!!”

Di na nya alam ang gagawin nya. Parang gusto na nyang itago ang sarili nya sa box at itapon sa malayo.

Di katagalan, Nagreply si Macky sa text nya.

“Talaga? Seryoso ka? hehehe”

Hindi na alam ni Pia ang gagawin nya.

Kumalma muna sya at nag isip kung itutuloy nalang ba nya ang kagagahang nagawa nya. Nagerply din sya.

“Yes I like you. But I’m afraid to tell you. Baka kasi magalit ka or iwasan mo ako.”

Takot nyang reply.

“I won’t do that. Kung sabihin ko bang I love you, sasagutin mo na ako?” - Macky

Natuwa rin ang gagang si Pia dahil sa nabasa nya.

“Yeah sure. Sige tayo na.”

Hindi na sya nagpatumpik tumpik pa. syempre matagal na nyang gusto yung Guy.

Ngayon na nag offer na yung lalaking pinakamamahal nya na maging sila, palalampasin pa ba nya?

Who You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon