Chapter 6

26 0 0
                                    

"Uy di pa ba kayo nagugutom? Bili na tayo ng pagkain ah. Nag-overtime pa kasi si ma'am filipino. Kanina pa kumukulog 'tong tiyan ko." -reklamo ko

"Sandali magpupulbo lang ako." -Sabi ni Sophy sabay labas face powder sa kanyang bag at nagsihingian naman yung mga iba.

"Pahingi nga rin. Mahirap din baka makita ako ni Cristoff na super hagard." -sabi ko din

Pagkatapos naming mag-ayos, nagpunta na kami sa canteen para bumili ng pagkain, malamang canteen nga di ba. Habang papunta kami sa canteen nakasalubong namin si Cristoff.

"Ey kunwari nagkukwentuhan daw tayo, tawa tawa kayo." -utos ko sa kanilang tatlo

"Bakit?" -tanong ni Marj

"Basta sumunod na lang kayo please." -sagot ko naman

"Huh? Ahmmm, ok." -tugon ulit ni marj

Kasi ang plano ko, kunwari nagkukwentuhan kami habang naglalakad. Nakatingin muna ako sa mga kaibigan ko, tapos habang nakasmile ako, kunwari hindi ko sinasadyang lumingon sa kanya para naman hindi lumabas na intention ko talagang ngumiti sa kanya.

.

...(slow motion)...

...

Ay ganun ganun lang? Di man lang pumansin? Nakakainis ka ha.

At ayun dedma ang inabot ko.Pinagplanuhan ko pa naman yung kunwaring unintended smile ko.

Hmppf sinasabi ko sayo mamalasin ka ngayon, hindi naman as in na malas na malas, katulad na lang ng makaapak ng dumi sa daan. Dahil sa pangdededma mo sinusumpa kong makakaapak ka ng dumi.

"Sh*t!"

Mayamaya ay may narinig kaming napamura sa likuran namin. Nang kami ay lumingon, nakita ko si Cristoff na ipinupunas ang kanyang sapatos sa semento na may dumi. Di kalayuan sa kanya, nakita ko ang isang nahulog na chocolate cupcake na siya atang naapakan niya kaya nadumihan yung kanyang sapatos.

Haha yan kasi di mo ko pinansin. Wala naman kaming lahing witch pero nagkatotoo naman yung sinabi ko. Siguro connected talaga kami sa isa't isa. Just kidding

Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad patungong canteen.

Certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon