Senyorita Prinsesisa’s notes:
Ito ay iisang tula lamang, iisang laman-at wala ng ibang karamay, pero kayang tumayo kahit walang sinasandalang bahay.
Ikalawang paalala, isinulat ko ito wari sa ating kinahaharap ngayon, at pininta gamit ang malikhain kong imahinasyon. Kung may ibang nakitang ganito, paki-saad sa akin para akin itong maaksyunan.
PLAGIARISM IS A CRIME.
© Lazyrature
-
Sa gitna ng pandemya,
Dapat tayo ay mag kaisa,
Upang ang mundo ay maging payapa,
At maging kampante ang bawat bansa.Pandemyang sinira ang ating kinabukasan,
Ginulo pati na ang tahimik nating paninirahan,
At sinira ang buhay ng bawat mamamayan,
Tiwala lamang ito'y ating malalagpasan,Lumalago na ang bilang nang mga namamatay,
Maraming tao ang nadadamay,
Tayo pa ba ay dapat sumuway?
Kung buhay na ng bawat isa ang nakasalalay.Payo lamang kaibigan,
Sumunod naman sa mga alintuntunin,
Katigasan ng ulo ay 'wag pairalin,
Bagkus tayo ay makipag-tulungan.Pandemya ay masusugpo,
Basta magkakasama tayo hanggang dulo,
Problema ay matatalo,
At babalik ang dating masiglang mundo.-
BINABASA MO ANG
Tula para sa Pandemya
PoetryOneshot poem. | Language: Filipino Iisang tula, iisang puso, libo-libong tao, kinakaharap ang kalabang hindi nakikita gamit ang pusong dalisay. © Lazyrature