Prologue

62 4 2
                                    

"Oh? Bakit late ka nanaman? Pasalamat ka wala ka pang pasyente."



Dahan dahan kong isinara ang pinto bago ako sumagot kay Arlo yung tropa kong doctor na kasama ko sa clinic kung bakit ako late kahit hindi naman ako late.



"Engot hindi ako late, sadyang walang nakasched na pasyente kaninang umaga" Mayabang ko na sinabi sa kaniya.



"Edi ikaw na may pahinga ngayong umaga" Inggit na sinabi niya sakin.



Aasarin ko pa sana si Arlo ng biglang pumasok si Ate June, secretary ng tatay ko.



"Guys, pinapatawag kayo ng  tatay mo Blaire. Magkita daw kayo sa office niya mamayang gabi."



Gabi nagpapa-meeting si Daddy dahil alam niya na busy kami umaga hanggang hapon dahil tuwing hapon ay maraming nakasched sa Children's clinic o Pediatrics kung tawagin dito.



"Hoy butiki!" tawag ko kay Arlo "Langya ka, ano nanaman ginawa mo?" Padabog na tanong ko kay Arlo.



"Tanga! wala akong ginagawa na masama!" Gulat na sabi niya sakin



"Eh bakit tayo pinapatawag?!" Pagalit ko na tanong sa kanya



"Aba! Ewan ko sa papi mo... kayo magkadugo diyan tapos sakin mo itatanong kung ano problema ng tatay mo... magtrabaho ka na nga ginagalit mo bigote ko eh."




Tumawa ako bago ako nagsimula magpapasok ng pasyente .



5 oras na ang lumipas at pumunta na kami sa pinakamataas na floor kung nasaan ang office ni daddy.



"Pre, ako kakatok ikaw unang pumasok." Kabadong kabado si Arlo dahil natatakot siya kay Daddy. 3 taon na kaming magkasama ni Arlo at sabay naman kaming pinapatawag sa office ni Daddy pero hanggang ngayon kinakabahan parin siya.



"Tumabi ka ako na kakatok at unang papasok" Tinulak ko si Arlo ng mahina para maghanda sa pagkatok.



"Alam mo Blaire mahal na mahal kita wag ka nang lilipat ng ospital ha? hehe" malambing na sinabi sakin ni Arlo




"Walangya ka tigil tigilan mo na droga. Nakakasama sa katawan at utak yon... doctor ka pa naman" Sabi ko sa kaniya.



Pumasok na kami at nakita namin si Daddy na nakatingin sa bintana tinatanaw ang ibaba ng building.



"Magandang gabi po Chairman." Bati ni Arlo kay Daddy.



"Ah Arlo pwede ka nang umuwi. Si Blaire lang ang kakausapin ko ngayon." Masayang sinabi ni Daddy kay Arlo



"Ah okay po Chairman goodnight po!" Malambing na sinabi ni Arlo kay Daddy.



Siguro ang gaan na ng loob nung kupal na yon. kanina kabadong kabado tapos ngayon ang ligalig. Bahala na kung ano sasabihin ng tatay ko sakin.




"Blaire, pwede ba na hanggang umaga ka ngayon? baka kasi magkaron ng emergency tapos walang doctor na present." Nagaalalang tanong sakin ni Daddy.



"Oo naman Dad, ako din naman sasalo nitong ospital eh."




"Salamat nak."




3:46am nang naisipan ko na bumili ng kape sa Starbucks, Kaya bumaba ako. Pagkalabas ko ng elevator may nakita ako.



Isang babae...




"Siya na ba yun?" Tanong ko sa sarili ko.




alam ko sa sarili ko na kilala ko yung babae.




Si Desiree...




"Excuse me" mahinhin na sinabi niya sakin.


Ang hinhin ng boses niya... nakakaantok at nakakagaan ng pakiramdam.



"Ehem, Excuse me." Ulit niya .



Sa sobrang tagal kong nakatitig sa kanya hindi ko namalayan na hinaharangan ko pala siya.



"Oh! Sorry." Tumabi ako para makadaan siya at makaakyat gamit ang elevator.



Tumawa siya ng mahina at kumaway sakin bago magsara ang pintuan ng elevetor.




Umupo ako sa sofa sa lobby. Pinoproseso kung ano nangyari kanina at napahiyaw ako ng mahina dahil sa tuwa.



"Sa wakas, nahanap ko na siya."

____________________________________________________________________________

Wag niyo kong husgahan minsan lang ako gumawa ng storya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heaven's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon