0017mist's Reading List
41 stories
Legend of Divine God [Vol 18: Defiance of Fate] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 781,475
  • WpVote
    Votes 100,906
  • WpPart
    Parts 200
Pagkatapos ng sukdulang pagsasakripisyo ng mga anghel para maisalba ang buong sanlibutan, mas lalong umigting ang kagustuhan ni Finn na wakasan na ang digmaan. Ayaw niya nang may mapapasakripisyo o may magsasakripisyo pa kaya handa na rin siyang ibigay ang lahat sa alyansa para lang maipanalo nila ang laban. Ganoon man, sasapat na ba ang lahat ng kaya niyang ibigay para magwakas na ang kaguluhan? O kukulangin pa rin siya dahil mas handa ang mga diyablo sa kanilang digmaan? -- Illustration by Rugüi Ên Date Started: June 1, 2025 (wattpad) © All Rights Reserved.
Legend of Divine God (Vol 16: The Thirteenth Emperor) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 999,011
  • WpVote
    Votes 131,383
  • WpPart
    Parts 152
Synopsis: Kinilala na ang ikalabintatlong emperador, at iyon ay walang iba kung hindi si Finn. Siya ang pinili ng kalangitan na magtaglay ng espesyal na kapangyarihan at titulo dahil napagtagumpayan niya ang huling hamon ng Land of Origins na talunin ang Evil Jinn. At sa kaniyang pagdating sa divine realm, samu't saring pagsubok kaagad ang kaniyang kahaharapin upang maprotektahan ang kaniyang mga kasama, kayamanan, at titulo. Bagong mga kalaban ang kaniyang makakaharap, at bagong mga kakampi ang kaniyang makakasama sa pagsasakatuparan niya sa kaniyang mga layunin. Sa pamamagitan ng espesyal na kapangyarihang kaniyang natanggap, maghahatid siya ng malaking pagbabago sa divine realm. Ipapakita niya na hindi siya dapat kalabanin, at ipapaalam niya kung bakit siya ang pinili ng kalangitan bilang magiging pinakamakapangyarihang nilalang sa hinaharap. -- Date Started - July 1, 2024 (Wattpad) Date Ended - ??
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 1,135,096
  • WpVote
    Votes 157,207
  • WpPart
    Parts 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isang malaking delubyo. Kaniya-kaniya nang pagpapalakas ang bawat naghahangad ng kapangyarihan at katanyagan. Si Brien Latter na hanggang ngayon ay may misteryosong katauhan ay mayroong binabalak para si Finn ay wakasan. Palaki na nang palaki at palakas na nang palakas ang hukbong pinamumunuan nina Ashe at Tiffanya. Habang si Finn, sinisimulan niya na ang pagpapaunlad sa kaniyang sarili at sa New Order para paghandaan ang nalalapit na9 digmaan. Sa huli kung saan isa lang ang maaaring hiranging karapat-dapat, sino kina Finn, Brien, Ashe, at Tiffanya ang magwawagi? Isa ba sa kanilang apat...o mayroon pang ibang karapat-dapat? -- Date Started(Wattpad): December 10, 2023 Date Ended(Wattpad): June 7, 2024
Legend of Divine God [Vol 12: Holy Land of Erekia] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 470,524
  • WpVote
    Votes 85,364
  • WpPart
    Parts 102
Synopsis Dahil sa kagustuhang makasama ang kanyang tiyuhin at kapatid, tinanggap ni Finn ang misyon ni Auberon para sa pitong pangunahing miyembro ng Order of the Holy Light na magtungo sa Holy Land of Erekia para imbestigan ang hindi pagpaparamdam ng grupo ni Oriyel. Hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa lugar na iyon, pero buong tapang nilang tinanggap ang misyon dahil sa kanilang responsibilidad na protektahan ang nasasakupan ng Order of the Holy Light. Magagawa ba nila ang kanilang misyon sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong impormasyon? O mapapagaya sila sa grupo ni Oriyel na hindi na nakapagparamdan dahil sa isang trahedya? --
Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 698,443
  • WpVote
    Votes 118,978
  • WpPart
    Parts 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul sa loob ng isang misteryosong mundo. Bagong mga kalaban, kakampi, at katunggali ang kanyang makikilala sa pag-aagawan sa mga oportunidad at kayamanan. Isang panibagong paglalakbay na puno ng misteryo at pakikipaglaban sa loob ng mundong tinatawag na "Mundo ng Alchemy". Ganoon man, sino ang nilalang na nagmamay-ari sa mahiwagang mundo? At ano ang kanyang magiging papel sa buhay at pakikipagsapalaran ng binata sa hinaharap? -- Started on wattpad August 17, 2021 - November 25, 2021
Si Frisco at ang kaniyang Paraiso (Volume 1) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 255,050
  • WpVote
    Votes 27,097
  • WpPart
    Parts 41
Isang dalubhasang kawatan ang bigla na lang napunta sa mundo ng pantasya kung saan umiiral ang mahika at katakot-takot na mga halimaw. Sa kamalas-malasang pangyayari, napunta siya sa katawan ng isang ordinaryong binatilyo. Paano makaliligtas ang tulad niyang sanay sa marangyang buhay sa mundo ng mahika kung lakas ang pinagbabasehan? Makakaya niya bang mabuhay ng masagana gaya ng dati o muli siyang mamamatay dahil sa pakikipagsapalaran? Ito ang kwento ng pakikipaglaban, pagtatraydor, pakikisama, pagsasaya at pakikipagsapalaran. Ito ang kwento ni Frisco. ** April 11, 2020 (Date Started) May 10, 2025 (Republished)
IMMORTAL DESTROYER: LI CLAN [VOLUME 1&2] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 301,276
  • WpVote
    Votes 25,470
  • WpPart
    Parts 200
Matagal na panahon na ang nakalipas, ang Apat na Kaharian ay patuloy na lumalaban upang maghanap ng mas mataas na kapangyarihan at mangibabaw sa kapwa nila kaharian. Pumapatay pa nga sila ng walang awa para masolusyunan ang namumuong kaguluhang ginaganap sa kapwa nila kaharian. Ang Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom, ang mga kahariang ito ay hindi kailanman uurong sa kanilang mga pansariling layunin at hinding-hindi kailanman makikita ang kanilang sarili na nasa ilalim. Sinasabing ang paglitaw ng Lungsod ng Dou na nagdudulot ng kapayapaan sa mga lupaing ito hanggang sa mga araw na ito dahil sa Kasunduan ng apat na kaharian na ito. Ngunit hanggang kailan magiging mabisa ang isang kasunduan o paano mas masusuportahan ng kapirasong kontrata na ito ang paparating na mga digmaan na gagawin ng bawat kaharian sa kapwa nila kaharian kung ganid ang nananaig sa kanilang mga puso? Sa edad na anim, napagtanto ng batang si Li Xiaolong ang hirap ng kanilang buhay dulot ng masama at malupit na pagtrato ng Sky Flame Kingdom na sumasakop sa kanilang angkan na Li Clan. Ito ay usap-usapan na ang kanilang Li Clan sa nakaraan ay nagpapagalit sa kanila ng Sky Flame Kingdom at hanggang ngayon ay nananatiling hindi nalutas na nagresulta sa ilang mapangwasak at kasawian ng Li Clan sa mga kamay ng kahariang ito. Ang Li Clan ay itinuturing na isang progresibong angkan sa nakaraan. Ang pagkakaroon ng ilang mahusay na tagumpay at pundasyon sa mga lupaing iyon na naninirahan sa mga progresibong angkan ngunit ngayon ay itinatapon sila sa mababang uri ng lupain sa Green Valley kung saan kailangan nilang magsimulang mabuhay muli at magpatuloy sa kanilang sariling pamumuhay. Ang sinasabi noon na nasa masaganang buhay ay nakabaon na sa nakaraan. Makakaligtas kaya sila sa kamay ng matataas na opisyal ng Sky Flame Kingdom kung sila ay mismo ay nananatiling mahina? ... Pictures aren't mine. Credits to the owner Other Title/s: Supreme Asura
The Mythic God [Vol:1 The Beginning] by deredskert
deredskert
  • WpView
    Reads 73,867
  • WpVote
    Votes 4,598
  • WpPart
    Parts 47
In a realm steeped in chaos, where armies clash and empires rise only to fall, power is the ultimate currency. In this unforgiving world, the weak are but shadows, their struggles drowned out by the thunderous march of the strong. Even the gods, who once governed the heavens with grace, find themselves ensnared in misunderstandings, their immense power leading to discord rather than unity. But amidst this turmoil, a most extraordinary creature arrives from a distant realm, one untouched by the scars of war. Its essence is woven with the threads of magic and mystery, and it possesses a unique power that defies the very fabric of this chaotic existence. With every step it takes, the ground quakes, echoing the prophecy of transformation. This creature carries a noble mission: to craft a new world, a sanctuary of peace where the echoes of conflict are silenced and harmony reigns supreme. However, to achieve this lofty dream, it must first embark on a formidable journey to earn the revered title of Mythic God. As it navigates through realms of ambition and despair, filled with challenges and adversaries, the creature must learn the intricacies of power dynamics, forging alliances and combating the ignorance of the powerful. Every encounter, every trial will test its resolve, pushing it closer to the ultimate goal of reshaping reality itself. In this saga of ambition and rebirth, the creature stands not only as a harbinger of change but as a beacon of hope for those who have suffered under the weight of oppression. Will it succeed in rewriting the destiny of its new home, or will it too succumb to the chaos that surrounds it? The journey to becoming a Mythic God is fraught with danger, but the promise of a brighter future fuels its relentless quest.
The Youngest Adventure:Forbidden Land by Ayie-12
Ayie-12
  • WpView
    Reads 64,038
  • WpVote
    Votes 9,423
  • WpPart
    Parts 94
Panibagong hamon at bugso ng damdamin upang patunayan sa kanilang sarili ang pagiging adventurer. Samahan ulit si Axel sa pakikisapalaran at paglakbay kasama ang mga kaibigan nito. Hanggang saan ang pagsubok,pagdanak ng dugo at katarungan!"
The Youngest adventure,, Forbidden Land: by Ayie-12
Ayie-12
  • WpView
    Reads 136,653
  • WpVote
    Votes 16,089
  • WpPart
    Parts 98
Sa simula, bawat mundo ay magkkaiba, Nilalang na may kakayahan at limitasyon, Lakas at kapangyarihan ang susi pra sa tagumpay!!! Alamin at tuklasin ang paglalakbay at Alamin ang totoong pagkatao ni Axel Shin sa kaikaibang mundo!!!!